KUMBINSIDO ang isang kongresista na konektado ang paglutang ng sinibak na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para kaladkarin ang pangalan ng Pangulo sa droga sa usap-usapang destabilization plot laban sa administrasyon.
“Kailangan din natin harapin ang katotohanan, this is a bigger plan to destabilized the government. Alam naman natin iyon, na this is a plan para siguraduhin na sirain, ipahiya ang ating Pangulo,” pahayag ni Zambales 1st District Rep. Jefferson Khonghun, kasabay ng panawagan sa mga kapwa mambabatas na wag na patulan ang tinaguriang PDEA Leaks.
“Sana itigil na iyong mga hearing na iyan…l hindi naman nakakatulong sa ating ekonomiya, sa mga problema ng ating bayan. So halimbawa sa ganitong klase ng mga hearing na wala namang pupuntahan, mas maganda na ihinto na lang nila at sumama na lang sila sa gusto ng ating gobyerno na mapaunlad ang buhay ng ating mga mamamayan,” diin ni Khonghun.
Giit naman ni Bukidnon 2nd District Rep, Jonathan Keith Flores na tumatayong chairman ng House Committee on Government Reorganization, walang kredibilidad ang pinagmulan ng impormasyon.
Katunayan pa aniya, hindi maganda ang record ng hindi pinangalanang former PDEA investigation agent na nahaharap sa iba’t ibang kaso.
Sinabi rin ni Flores na tama lamang ang naging reaksyon ng Punong Ehekutibo nang tanungin tungkol sa tinaguriang PDEA leaks.
“Tama naman ang reaksyon ng Presidente natin hindi ba? If allegations like that are thrown at him and it’s not a serious allegation, then he just laughs at it. Because seriously ano, for evidence to be credible and be credible itself, it must also come from a credible source.
The source dito has already been discredited and in fact he is facing charges so, why make it a big issue pa, di ba?” patutsada pa ng Bukidnon province congressman.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home