Hindi na dapat na patagalin pa ng Kamara ang pagpasa sa panukalang dagdag-sweldo para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ito ang sinabi ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP, ngayong bisperas ng muling pagdinig ng House Committee on Labor and Employment ukol sa wage hike bills.
Sa isang statement, sinabi ng TUCP na umaasa sila na wala nang “delay” at tutugon na ang komite sa matagal nang panawagan ng mga manggagawa na itaas ang sahod.
Sa halip din na umasa sa “empty assurances” ng Department of Labor and Employment o DOLE patungkol sa dagdag-sahod na kung matutupad man ay tiyak na barya-barya lamang, sinabi ng TUCP na dapat isabatas na ang taas-sweldo para sa Bagong Pilipinas.
Matatandaan na isinusulong ni House Deputy Speaker at TUCP PL Rep. Raymond Mendoza ang P150 na dagdag para sa mga minimum wage ng mga kawani sa private sektor.
Maliban sa panukalang ng TUCP, may iba pang wage hike bills na nakahain sa Kamara na nasa pagitan ng P150 hanggang P750.
Samantala, ikinalugod ng TUCP ang utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa regional wage boards na rebyuhin ang wage rates sa gitna ng mataas na inflation rate.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home