Thursday, May 30, 2024

Nadismaya ang mga kongresista sa hindi pagsipot ng mga dating opisyal mula sa administrasyong Duterte sa imbestigasyon ukol sa umano'y gentleman's agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.


Sa pagdinig ng House Committee on National Defense and Security at Special Committee on the West Philippine Sea, pinuna ni Zambales Representative Jefferson Khonghun ang tila pag-iwas ng mga dating opisyal ng nakalipas na administrasyon dahil lahat ay may kani-kanyang palusot.


Punto ni Khonghun, sila lamang ang nakakaalam ng nilalaman at kung talagang may naganap na kasunduan sa pagitan ng Philippine at Chinese government patungkol sa Ayungin Shoal at sa BRP Sierra Madre.


Ipinaalala rin ni Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel sa komite na may kapangyarihan ang Kongreso na ipatawag ang sinumang opisyal sa pagdinig partikular ang mahahalagang personalidad na makasasagot ng tanong ng mga mambabatas.


Kahit magdamag aniya na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso ay wala silang mapapala sa resource persons.


Dahil dito, inirekomenda ni House Deputy Minority Leader France Castro na imbitahan sa imbestigasyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nais din ng mga kongresista na paharapin sina dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, dating National Security Adviser Hermogenes Esperon, dating Executive Secretary Salvador Medialdea at dating Presidential Spokespersons Harry Roque at Salvador Panelo.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home