Nakikiisa ang ilang mambabatas sa kamara sa paninindigan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , na hindi paglalagay ng water cannons sa mga barko ng Philippine Coastguard.
Sa ginanap na pulong balitaan, sinabi ni PBA Partylist Representative Margarita Nograles, hindi kailangan ng bansa na pumatol sa ginagawang pananakot ng China, bagama’t maninindigan sa pagtatanggol sa karapatan ng teritoryo ng bansa sa legal na paraan.
Iginiit nman ni Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores na ang Pangulong Marcos-bilang pangulo at chief ng foreign policy, ay tinitiyak ang pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa mga teritoryong pag-aari ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa iba pang mga bansa tulad na rin ng isinagawang trilateral meeting sa Estados Unidos .
Sinabi naman ni House Committee on Bases Conversion at Zambales 1st District Representative Jefferson Khonghun, na tuloy ang isasagawang imbestigasyon ng Kamara kaugnay na rin sa sinasabing ‘gentlemans agreement sa pagitan ng dating pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin-Ping.
Paliwanag ni Khonghun, kabilang ang kanilang mamamayan, partikular na ang mga mangingisda sa labis na apektado ng pananakot ng China, lalo na’t dito nakasalalay ang kabuhayan ng kaniyang mga kababayan.
Kaya’t marapat lamang na malaman ang katotohanan kaugnay sa kontrobersyal na kasunduan.
Sa hiwalay na panayam, iminumungkahi ni dating Associate Justice Antonio Carpio ang pagbabalik ng Pilipinas sa arbitral tribunal, para hingin sa international court ang mga panuntunan sa pangingisda sa Ayungin shoal na una ng napagwagian ng Pilipinas noong July 2016 ruling, gayundin ang paghamon sa China sa territorial dispute sa International Court of Justice.
Ayon pa sa dating mahistrado, ito ay pagpapakita ng panindigan ng bansa na pangalagaan ang teritoryo ng Pilipinas at pagsunod sa rule of law. #
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home