Reklamo laban kay Cong.Alvarez, posibleng desisyunan ng Ethics Committee ngayong linggo…
…
Magpupulong muli ngayon ang House Ethics Committee na pinamumunuan ni Congressman Filemon Espares para talakayin ang reklamo na isinampa laban kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ayon kay Espares, kasong administratibo lamang ang kanilang pwedeng desisyunan.
Ito ay ang disorderly behavior bilang isang kinatawan ng Kongreso.
Paliwanag ni Espares, hindi nila saklaw ang pagtalakay sa seditious statement na binitawan ni Alvarez nang himukin sa rally ng pro-Duterte supporters sa Tagum City na mag-withdraw na ng suporta ang AFP at PNP kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ito kasi anya ay maihahanay sa kasong kriminal at ito ay hurisdiksiyon ng korte.
Ibinasura din ng komite ang reklamo ng umanoy madalas na pagliban ni Alvarez sa Kamara dahil napatunayan na ito’y walang batayan.
Ang ethics complaint laban kay Alvarez ay isinampa ni Tagum City Mayor Rey Uy.
Samantala, sinabi ni Espares, posibleng i-akyat na sa plenaryo ang magiging desisyon ng komite bago mag sine die adjournment ang Kamara sa May 24.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home