Hajji- 14 june
Hinimok ni Cagayan De Oro Second District Representative Rufus Rodriguez ang Senado na aprubahan na ang panukalang batas na tumutukoy sa "sea lanes" ng Pilipinas upang pigilan ang panghihimasok ng mga barko ng China at iba pang foreign vessels at aircraft sa West Philippine Sea.
Ayon kay Rodriguez, matapos mamataan ang Chinese warships sa Basilan Strait kamakailan ay napapanahon nang ipasa sa Senado ang counterpart measure ng House Bill 9034 sa pagbubukas ng Third Regular Session sa susunod na buwan.
Marapat aniya na gawin ang lahat ng hakbang upang protektahan ang territorial integrity at soberanya ng bansa lalo't hindi lamang kanlurang bahagi umaatake ang Chinese nationals kundi sa katimugan na rin.
Paliwanag ng kongresista, palalakasin ng panukala ang pagpapatupad ng militar at iba pang awtoridad sa sovereign rights sa teritoryo.
Inaasahan na umano nito ang pagpalag ng China ngunit hindi na dapat ito pansinin at isipin lamang ang pambansang interes.
Nakapaloob sa panukala ang pagtatalaga ng sea lanes at air routes para sa mga barko at eroplanong ginagamit ang "right of innocent passage" ngunit hindi dapat sila lumampas ng 25 nautical miles at ipinagbabawal ang ibang aktibidad maliban sa mabilis na pagdaan.
Hindi rin pahihintulutan ang oceanography o hydrographic survey at research activity na walang permiso mula sa Philippine government at ang sinumang lalabag ay maaaring makulong ng hanggang dalawang taon at multang 1.2 million US Dollars.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home