Tuesday, June 18, 2024

SPEAKER ROMUALDEZ AT SPEAKER NUKAGA NG JAPAN, NAGKASUNDONG PAIGTINGIN PA ANG BILATERAL RELATIONS NG PILIPINAS AT JAPAN

Nakipagpulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kahapon (nitong Martes) sa kanyang Japanese counterpart na si Speaker Fukushiro Nukaga, sa Tokyo at kanilang napagkasunduan na suportahan ang lalong pagpapalakas sa bilateral relations ng Pilipinas at Japan.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay “at an all time high.”


Ayon sa kanya, mayroong matatag na diplomatic relations ang dalawang bansa, partikular na rito ang may kaugnayan sa defense at economic ties.


Dagdag pa ng lider ng Kamara na siya ay nagpahayag ng wagas na papuri sa papel na ginampanan ng Japan sa pag-secure, pag-aruga at sa pagatanggap ng mahigit na 300,000 mga Filipino na naninirahan sa bansang Hapon.


Ito ang naging pahayag ni  Speaker Romualdez kay Speaker Nukaga, Vice-Speaker Banri Kaieda, at House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori sa pagpupulong na ginanap sa Tokyo parliamentary building.


Sinabi ni Romualdez na ang Japan ay napatunayan ng Pilipinas bilang isang maaasahang partner sa iba’t ibang larangan gaya ng official development assistance (ODA), maritime security initiatives, at pagtaguyod sa pag-unlad at katatagan ng rehiyon.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO





“Our countries have continually engaged with each other since last year, a clear indication of the firm commitment of both our countries to our decades-long cooperation,” sabi pa ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“As the number one provider of official development assistance, you have helped us in our economy in many aspects. You have also helped us in time of disaster, calamities, and we would also like to thank you for the support from the JICA, that continues to bring our economy to fruition,” ayon pa kay Speaker Romualdez. “We thank Japan government and the people of Japan for all the support and the assistance through the ODA.”


“Japan remains one of the Philippines’ most dependable partners,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. “Our shared universal values, including freedom, democracy, the rule of law, respect for human rights, and a free and open economy, underpin our strategic partnership.”


Nagpasalamat naman si Speaker Nukaga kay Speaker Romualdez sa pagkilala nito sa tulong na naibigay ng Japan.


“Thank you very much for mentioning the wide range of good things. I’m very glad that Japan and the Philippines have built a very good bilateral relations,” sabi ni Speaker Nukaga.


Mula ng itaas ang relasyon ng Pilipinas at Japan sa strategic partnership noong 2011, lumawig na ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga tradisyonal na larangan gaya ng politika, depensa at ekonomiya.


Ang dalawang bansa ay mayroon na ring maritime cooperation, peace process, at people-to-people exchanges kasama na ang turismo.


“We have managed to expand our relations to encompass various sectors. These efforts have significantly contributed to strengthening our strategic partnership,” punto pa ni Speaker Romualdez.


Matatandaan na bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan noong Pebrero 8-12, 2023 kung san naka-usap nito si Prime Minister Kishida Fumio at nakipagkita kina Emperor Naruhito at Empress Masako. 


Pumunta naman si Prime Minister Kishida sa Pilipinas noong Nobyembre 3-4, 2023.


Muling bumisita si Pangulong Marcos sa Japan noong Disyembre 16-18, 2023 upang dumalo sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit. Sinamantala rin ng First couple ang pagkakataon at muling binisita ang Emperor at Empress.


Ipinagdiwang ng Pilipinas at Japan ang ika-67 normalized relation nito noong Hulyo 23, 2023, at ika-12 taon ng strategic partnership nito mula noong 2011.


Matapos ang World War II, iginugol ng dala wang bansa ang kanilang atensyon sa pagpapaganda ng kanilang relasyon. (END)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home