Thursday, June 13, 2024

Speaker Romualdez, Senate President Escudero, lider ng Kongreso nangako ng mas maigting na kolaborasyon para maipasa legislative agenda ng Marcos admin



Nagkita sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Francis Escudero sa unang opisyal na pagpupulong ng liderato ng Kamara at Senado na ginanap sa Aguado residence sa Malacañang.


Ang makasaysayang tagpo ay isang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng mas matibay na pagkakaisa at kolaborasyon sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa at para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino, ayon kay Speaker Romualdez.


“This meeting symbolizes a renewed and reinvigorated partnership between the House of Representatives and the Senate under the leadership of Senate President Escudero,” ani Speaker Romualdez, na nagsabi rin na ang pagpupulong ay nagsisilbing paunang tagpo para sa gaganaping Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Hunyo 25.


“Together, we are committed to working hand-in-hand to pass key legislation that will significantly benefit the Filipino people,”dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


Nakasama ng dalawa sa pagpupulong sina Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Sec. Mark Llandro "Dong" L. Mendoza, Undersecretary Adrian Carlos A. Bersamin of the Office of the Executive Secretary, House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, Deputy Secretary General Jennifer “Jef” Baquiran, Deputy Secretary General Robert David Amorin, Head Executive Assistant Director V Atty. Muel Romero, Senate Sec. Renato N. Bantug, Deputy Secretary Atty. Mavic Garcia, at Atty. Roland S. Tan, Chief of Staff ni Escudero.


Sa ginanap na talakayan, inulit nina Speaker Romualdez at Senate President Escudero ang kanilang dedikasyon na maitaguyod ang legislative agenda ni Pangulong Marcos at bigyang prayoridad ang mga panukala na makapagpapaganda sa buhay ng mga Pilipino.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na maaprubahan ang mga panukala at ang mabilis at epektibo implementasyon ng mga ito.


“Our joint efforts with the Senate reflect our collective resolve to push forward the President’s priority measures,” sabi ni Romualdez matapos na mapag-usapan ang legislative calendar ng 3rd Regular Session ng 19th Congress.


“With Senate President Escudero’s dynamic leadership, I am confident that we can expedite the legislative process, ensuring that the benefits reach our people without delay,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Nabigyan din umano ng pansin sa pagpupulong ang pagbibigay ng prayoridad na maaprubahan ang panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law. Layunin ng panukalang ito na mapababa ang presyo ng bigas at maitaas ang kita ng mga magsasaka.


“Amending the Rice Tariffication Law is a crucial step towards ensuring food security and economic stability for our farmers,” giit ni Speaker Romualdez.


“We are committed to making quality rice affordable for all Filipinos while boosting the livelihoods of our local farmers,” saad pa nito.


Pinag-usapan din sa pagpupulong ang mga panukala na hindi pa natatapos.


“The focus remains on the twenty LEDAC priority measures targeted for approval by June 2024, with significant advancements already made, including ten measures approved by both Houses, one enacted into law, and several others in various stages of the legislative process,” sabi ng lider ng Kamara.


Napag-usapan din ang mga panukalang nabanggit sa 2023 SONA at ang Common Legislative Agenda (CLA). Sa 59 na panukalang nakalista sa CLA, natapos na ang Kamara ang 56 at mga nalalabi—amyenda sa EPIRA, National Defense Act, at ang Budget Modernization Bill – ay tinatalakay na.


Tinukoy din ang mga panukala na target maaprubahan bago ang recess ng sesyon sa Oktobre at Disyembre 2024 gayundin ang 19 na panukala na kasama sa LEDAC priority, ayon kay Speaker Romualdez.


“This partnership between the House and Senate is not just about passing laws; it’s about making a tangible difference in the lives of Filipinos,” giit ni Speaker Romualdez. 


“We are committed to an efficient and cohesive legislative process that will bring about meaningful reforms and improvements for our country,” dagdag pa nito. (END)


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO ——- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home