Wednesday, June 19, 2024

Hajji- 14 june


Hinimok ni Quezon City Representative Marvin Rillo ang mga pampublikong ospital na i-avail ang karagdagang pondo mula sa Health Facilities Enhancement Program upang mapalawak ang kanilang outpatient hemodialysis units.


Sa gitna ito ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng chronic kidney disease.


Ayon kay Rillo, makatutulong ang pondo mula sa HFEP upang madagdagan ang hemodialysis stations ng mga ospital at mas maraming pasyente ang maasikaso.


Mayroon aniyang 28.5 billion pesos na alokasyon ang HFEP sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act at bawat taon ay nagbibigay ang Kongreso ng panibagong pondo para sa programa.


Sa pamamagitan nito ay naisasakatuparan ang konstruksyon, upgrading o expansion ng public healthcare facilities at ang procurement ng hospital o medical equipment.


Ipinaliwanag pa ni Rillo na dapat garantiyahin ng mga pampublikong pagamutan na di maaantala ang access ng chronic kidney disease patients sa hemodialysis treatment upang matiyak na maiaangat ang buhay.


Noong 2023 ay nasa 3.6 million hemodialysis procedure claims ang hiniling sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth kung saan 17.4 billion pesos ang ginastos upang bayaran ang claims.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO ——- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home