KAMARA AT SENADO, NAG-UUGNAYAN PARA TIYAKING MAIPASA NA ANG PRIORITY BILLS BAGO MAGTAPOS ANG 19TH COONGRESS
Ipinahayag ni House Speaker Martin G. Romualdez na nagsimula nang mag-ugnayan ang Kamara de Representantes at ang Senado para tukuyin ang mga mahahalagang panukala na maaari pang ihabol sa ikatlo at huling regular session ng 19th Congress.
Ayon kay Speaker Romualdez. nakausap na nito ang bagong upong Senate President na si Sen. Francis Escudero noong Lunes sa MalacaƱang ng lagdaan ng Pangulo ang bagong batas na nagtataas sa teaching supply allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Dagdag pa ng lider ng Kamara na sinabi House Majority Leader Jose Manuel Dalipe at ang Senate counterpart nito na si Sen. Francis Tolentino ay nag-uugnayan na rin.
Batid ni Escudero, ayon pa kay Romualdez, na maraming panukala ang naaprubahan na ng Kamara at nakabinbin sa Senado kasama rito ang mga priority measure na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA at mga napagkasunduan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
SInabi ng lider ng Kamara na may mga koordinasyon, partikula na rito sa mga bicameral conference committees kung papaano i-reconcile ang mga differing versions.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home