RELASYON NG PILIPINAS AT CHINA, LALONG MASISIRA DAHIL SA GINAGAWANG PAMBU-BULLY NITO SA ATIN
Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na lalong masisira ang relasyon ng Pilipinas at China dahil sa ginagawa nitong harassment at pambu-bully.
Kabilang na rito ang pangungumpiska ng pagkain at iba pang suplay na dapat sana'y dadalhin sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Romualdez na hindi maka-papayag ang gobyernong tratuhin ng China ang bansa sa pamamagitan ng agresibong mga hakbang kaya susuportahan ng mga awtoridad ang polisiya ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ibinahagi nito na nabanggit ng pangulo sa katatapos na Shangri-La Dialogue sa Singapore ang usapin ng defense at security at nanindigang hindi isusuko ang alin mang teritoryo.
Ipinunto rin ng House Speaker na kung tutuusin ay hindi dapat isyu sa West Philippine Sea ang naglalarawan sa relasyon ng Pilipinas at China.
Pero dahil sa ginagawa ng naval at sea assets at militia forces ng Chinese government ay lalo umanong lumalala ang tensyon at ang relasyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home