Milks/12jun24
Nai-transit na ng Kamara sa Senado ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill na pangunahing akda ni Albay Representative Edcel Lagman.
Ang transmittal ay nakapaloob sa liham ni House Secretary General Reginald Velasco kay Senate President Francis Chiz Escudero na may petsang June 10, 2024.
Ibig sabihin nito, ayon kay Lagman, wala nang pagkakataon ang ilang mga mambabatas na kuwestiyunin ang naging resulta ng nominal voting nang pagtibayin ang bill noong May 22.
Sa naging botohan sa Kamara, 126 ang bumoto ng Yes… 109 ang bumoto ng No at 20 ang nag-Abstain.
Pero nilinaw ni Velasco kinaumagahan, ang kabuuang Yes votes ay umabot sa 131 habang nananatili ang mga bilang ng bumoto ng No at Abstain.
Sabi ni Lagman, nasa hurisdiksiyon na ng Senado ang pagtalakay sa Absolute Bill kasabay ang pag-asa na bigyan ng pagkakataon ang pagtalakay nito sa plenaryo.
Matatandaan, ito ang ikalawang pagkakataon na pumasa ang Divorce Bill sa Kamara.
Ito ay noong 17th Congress noong 2018 at kadalasan hindi na umuusad sa committee level pa lang ng Senado.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home