Thursday, June 13, 2024

Milks/12jun24


Paglaya sa POGO dapat maging  bahagi na ng ating Independence day…



Ang pagdiriwang ng Independence Day ngayong taon ay dapat simula para tuluyang makalaya na ang Pilipinas sa perwisyong dulot ng operasyon ng POGO sa Pilipinas.


Ito ang wish ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers kasabay ng paggunita sa 126th Philippine Independence Day.


Umaapela si Barbers kay Pangulong Bongbong Marcos na pakinggan ang panawagan ng nakararaming sektor na ipagbawal na ang POGO na siyang ugat ngayon ng ibat-ibang krimen sa bansa.


Ayon kay Barbers, Chairman ng House Committee on Dangeous Drugs, huwag hayaan ng gobyerno na lapastanganin ng mga POGO ang batas ng bansa.


Hindi anya sapat ang nakukulektang kita dito sa buwis sa mga problemang hatid ng operasyon ng POGO sa bansa gaya ng human trafficking, money laundering, prostitution at iba pa.


Dagdag pa ni Barbers, kung mahal natin ang Pilipinas, walang dahilan para patagalin pa sa bansa ang operasyon ng mga POGO.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home