Thursday, June 13, 2024

‘Young Guns’ ng Kamara sang-ayon sa posisyon ni Sotto na ipagpaliban pagtatayo ng bagong Senate building


Sang-ayon ang mga kinatawan ng Kamara de Representantes sa posisyon ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto na suportahan ang desisyon ng bagong pamunuan ng Senado na ipagpaliban ang konstruksyon ng itinatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City habang isinasagawa ang imbestigasyon.


Nagpapasalamat din sina Assistant Majority Leaders Jay Khonghun (Zambales, 1st District), Paolo Ortega V (La Union, 1st District), at Jil Bongalon (Ako Bicol Party-list), at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, pawang mga miyembro ng “Young Guns” ng Kamara, kay Sotto sa pagbibigay linaw sa usapin, partikular sa lumalaking gastusin ng gusali na ikinabahala ng dati at kasalukuyang pamunuan ng Senado.


Sinabi ni Khonghun na ang pag-endorso ni Sotto sa panawagang suspensyon ay isang pagpapatibay sa naging desisyon ni Senate President Francis Escudero.


“It is only right to re-evaluate such a major project, especially given the alarming increase in costs. Transparency and accountability must be our top priorities,” ayon kay Khonghun.


Ayon kay Ortega, nakakagulat na malaman na umabot na sa P23.3 bilyon ang halaga ng proyekto, na halos triple ang itinaas mula sa orihinal na presyong P8.9 bilyon.


“We welcome former Senate President Sotto’s support for this review, as it reassures the public that their leaders are vigilant and committed to safeguarding public funds,” punto pa ni Ortega.


Sinabi ni Bongalon na ang pagkilala ni Sotto na magsagawa ng pagsusuri at ang pagtukoy sa dati ng isyu ng proyekto na nagsasangkot sa Hilmarc’s Construction Corp.


“It’s good news for the Filipino people that such concerns are being addressed promptly. This ensures that both the Senate and the public are kept informed and vigilant,” ayon kay Bongalon.


Binigyang-diin naman ni Gutierrez ang kahalagahan ng pagiging maingat at transparent sa paggamit ng pondo ng bayan, at mariing nanawagan para sa isang masusing pagsusuri ng proyekto.


“Sotto’s call for transparency and accountability deeply resonates with us,” ayon sa mambabatas.


“We welcome former Senate President Sotto’s stand and fully support the initiative to scrutinize the new Senate building project. It must adhere to the principles of accountability and fiscal responsibility. We must ensure that every peso is spent wisely and in the best interest of the Filipino people,” dagdag pa ni Gutierrez.


Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Sotto na nararapat lamang na magkaroon ng imbestigasyon lalo’t patuloy ang paglaki ng gastos sa proyekto at ang pagsang-ayon sa desisyon ni Escudero sa pagpapatigil ng konstruksyon sa gusali. 


Aniya, “Magandang balita na nalaman natin ito. Kami mismo nagulat sa estimate na ‘yan. ‘Wag naman ganun. Maganda na rin na nalaman kaagad ng taumbayan ‘yan, at nalaman din na nakabantay ang Senado.”


Si Sotto ay ang dating Senate President nang pinasimulan ang pagpapatayo ng gusali ng Senado noong 2019, habang si Senator Panfilo “Ping” Lacson naman ang tumatayo bilang chairman ng Committee on Accounts, na namamahala sa proyekto. 


Sinabi ni Sotto na narinig niyang ibinilin ni Lacson sa DPWH, at project manager na hindi dapat patawan ng labis na presyo ang pagtatayo ng gusali. 


Inihayag din noon ni Sotto ang pagdududa sa winning bidder, na Hilmarc’s Construction Corp., na parehong kumpanya na sangkot sa overpriced construction na P2.3 bilyon Makati City Hall building noong 2008 hanggang 2013.


Ayon pa sa dating pinuno ng Senado, na nangako rin noon ang Hilmarc na pagbubutihin ang proyekto upang makabawi sa hindi magandang imahe sa pagkakasangkot sa Makati Building. (END)


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home