Thursday, June 13, 2024

JUN 13

-Hajji-


Naniniwala si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na ang tunay na kalayaan ay mararamdaman sa kakayahang makabili ng pagkain sa murang halaga at magawang pakinabangan ng mga Pilipino ang likas na yaman.


Ayon kay Lee, bukod sa pagsuporta sa "food security soldiers" sa pagtugon sa inflation, mahalagang protektahan at pagyabungin ang natural resources ng bansa sa kabila ng mga ulat na mayroong bagong artificial islands na itinatayo ang Vietnam sa Spratly Islands at ang agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.


Punto nito, dapat na maging mas agresibo ang Pilipinas sa pag-develop at pagtatanggol sa ating teritoryo para sa kapakanan ng local food producers at consumers.


Iginiit pa ng kongresista na napapanahon nang gawing prayoridad ang development ng natural resources upang taasan ang fishery output, solusyunan ang problema sa enerhiya at magkaloob ng trabaho sa maraming Pilipino.


Isa sa isinusulong ng mambabatas ang Fishing Shelters and Ports Act na layong magtayo ng fishing shelters at pantalan sa siyam na okupadong maritime features sa WPS at Philippine Rise.


Kasabay nito, umaasa si Lee na darating ang panahon na lalaya na ang bansa mula sa mataas na presyo ng bilihin, mula sa pangamba na may magkasakit dahil walang pambili ng gamot o pambayad sa ospital at kalayaan mula sa mga tiwali at kawalan ng hustisya.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home