Maaksayang paggastos sa bagong gusali ng Senado kinondena ng Young Guns
Kinondena ng mga miyembro ng tinaguriang “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang lumobong gastos at posibleng pag-aaksaya ng limitadong pondo ng gobyerno sa itinatayong gusali ng Senado sa Taguig City.
Kasabay nito ay nagpahayag din ng suporta ang mga miyembro ng Young Guns sa pagsuspendi sa proyekto habang isinasagawa ang isang komprehensibong pagrepaso.
Ang itinatayong gusali ng Senado ay may inisyal na budget na P8.9 bilyon subalit lumobo na ito sa P23.3 bilyong ngayon. Ang malaking pagtaas sa pondong ginugugol ay umami ng kritisismo.
Iginiit ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang kahalagahan na mayroong pananagutan sa paggastos ng pondo ng taumbayan.
“It is only prudent to scrutinize projects involving public funds. We owe it to our constituents to ensure that every peso is spent wisely and effectively,” ani Gutierrez.
“This project is a prime example of why stringent checks and balances are essential. The significant cost overrun calls for a reassessment to protect our nation’s fiscal health,” dagdag pa nito.
Iginiit naman ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon ang kahalagahan na magkaroon ng transparency sa paggugol ng pampublikong pondo.
“It is crucial that we uphold public trust in all our infrastructure projects. Every centavo must be accounted for to prevent misuse of funds,” ani Bongalon.
Gusto naman ni Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na magkaroon ng tahasang pagsusuri sa proyekto.
“Delaying the project for a comprehensive review is a responsible decision. We must address any concerns and ensure the project aligns with the best interests of the Filipino people,” ani Khonghun.
“Public infrastructure projects should reflect prudent financial management. We must halt this project until a clear and transparent review can guarantee that the funds are used appropriately and for the benefit of all Filipinos,” sabi pa nito.
Sumegunda naman si Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega sa pahayag ng kanyang mga kasama.
“Suspending the release of funds is a necessary step to prevent potential issues and ensure the new Senate building project meets the highest standards of efficiency and accountability,” saad ni Ortega.
“When public funds are misallocated, it undermines trust in our institutions and hampers our ability to address other critical needs. This situation demands immediate attention and corrective action,” wika pa nito. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home