CRACKDOWN AT PAGPAPAHINTO NG MGA POGO SA BANSA, IMINUNGKAHING UMPISAHAN NA NG PAMAHALAAN
Milks
Iminungkahi ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na dapat simulan na ng pamahalaan ang crackdown at pagpapahinto sa operasyon ng mga POGO sa bansa lalo na ang mga iligal matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinanad Bongbong Marcos, Jr. sa kanyang SONA ang total ban ng mga ito.
Ayon kay Representative Barbers, dapat agad na maipatupad ang naging “marching orders” ng Pangulo.
Kabilang sa mga ahensiya na inaasahan ni Barbers na agad na mangunguna sa crackdown ay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR, Dapartment of Foreign Affairs o DFA, Department of Justice o DOJ, Bureau of Immigration, Anti-Money Laundering Council, Department of Labor and Employment o DOLE at iba pa.
Ngunit iginiit ni Barbers na hindi sapat ang pagpapalayas sa mga POGO at pagbabawal sa kanilang operasyon sa bansa.
Dapat lang aniya na patawan ng kaso at maparusahan ang mga lumabag sa batas na sangkot sa ibat-ibang uri ng krimen.
Aminado si Barbers na may epekto sa revenue ng gobyerno ang utos ng
Pangulo na total ban ngunit makakaasa aniya ang pamahalaan ng suporta sa Kamara para isulong ang mga panukala na makatutulong sa pag-usad ng ating ekonomiya.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home