Grace
kinatigan ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang hakbang ng Department of Finance na gamitin ang bilyun bilyong piso na nakatenggang pondo ng government-owned and controlled corporations (GOCC).
pangunahing tinukoy ng DOF ang P500-billion na hindi nagagalaw na pondo ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth na maaring ilaan sa iba pang mga proyekto na magpapahusay sa serbisyong pangkalusugan at tutugon sa kahirapan.
ang mahalaga ayon Co, ay hindi maaapektuhan ang operasyon ng PhilHealth at iba pang GOCC na pagkukunan ng pondo para mailaan sa social services at infrastructure projects na makakatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya.
nilinaw din ni Co na ang pondong inilipat sa treasury ay sobrang pondo ng GOCC mula sa national government at hindi nagmula sa kontribusyon ng mga miyembro nito.
mainam din para kay Co na gamitin ang reserve fund ng PhilHealth at iba pang GOCC para mapakinabangan ng taumnbayan sa halip na hayaan lang itong nakatengga.
######
———-
Grace
iginiit ni House Assistant Minority Leader and Gabriela Women's Party Rep. Arlene Brosas sa House of Representatives na imbestigahan ang pagtransfer sa national treasury ng P90 billion na hindi nagamit na pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
para kay Brosas, maraming tanong na dapat sagutin kaugnay sa paggamit sa unused funds ng Philhealth para sa unprogrammed funds ng gobyerno.
Giit ni Brosas, kawalang katarungan sa mga pilipino ang tila paghigop sa pondo na nakalaan para pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan lalo ang mga mahihirap nating kababayan.
binanggit ni Brosas na nangangamoy pork scam version 2.0 ito na mas malala pa sa Maharlika scam kaya dapat imbestigahan.
sa tingin ni Brosas, ang pasya ngayon na paggamit sa sobrang pondo ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs ay ginagawa ng administrasyon matapos madiskaril ang nauna nitong tangka na gamitin ang social security funds sa Maharlika Fund.
Bunsod nito ay tiniyak ni Brosas ang matinding pagkwestyon sa budget ng PhilHealth sa gagawing pagbusisi sa pambansang budget para sa susunod na taon.
#####
———-
Grace
nagsagawa ng pagdinig ang House Committee on Public Order and Safety katuwang ang committee on games and amusement ukol sa mga krimen na kinakasangkutan ng philippine offshore and gaming operators o POGO.
sa pagdinig ay nagpresenta ang Presidential anti organized crime commission o PAOCC ng mga video at larawan na napapakita kung gaaano karumal dumal ang mga krimen at iba pang ilegal na aktibidad na nag-uugat sa POGO.
halimbawa nito ang pagtorture sa mga empleyado ng POGO na pinaghihinalaan na nagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad patungkol sa kanilang ilegal na operasyon habang iba ay nahuli sa tangkang pangtakas.
hindi kinaya ng ibang kongresista ang ipinakikita sa video kaya ito ay inawat nila pero nanindigan naman ang ibang mga kongresista na dapat itong maipakita sa publiko upang kanilang mabatid kung gaano kasama ang dulot na problema sa ating lipunan ng POGO.
ayon kay PAOCC undersecretary Gilbert Cruz, kinikilala ng mga law enforcement agencies ang ambag ng POGO sa ating ekonomiya.
pero giit ni Cruz, hindi naman maaring magbulaglagan sa mga krimen at kriminal na aktibidad na kinakasangkutan ng POGO at ang banta nito sa kapayapaan at kaayusan ng ating bansa.
#######
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home