Hajji
Kinuwestyon ni House Committee on Public Order and Safety Chairperson at Santa Rosa City Representative Dan Fernandez ang naging hakbang ng lokal na pamahalaan ng Porac, Pampanga laban sa nadiskubreng ilegal na POGO hub.
Sa ginawang imbestigasyon ng Kamara hinggil sa criminal activities sangkot ang mga POGO, ginisa ni Fernandez si Porac Mayor Jaime Capil kung bakit wala itong ginawang aksyon sa kabila ng pagiging ilegal ng Lucky South 99.
Sinabi ni Capil na Enero pa lang ngayong taon ay hindi na siya nagpalabas ng permit sa naturang POGO hub dahil wala itong internet gaming license.
Lumiham din umano siya sa Lucky South 99 upang ipabatid ang mga nilabag nito ngunit walang tugon ang pamunuan.
Dahil dito, inusisa ni Fernandez kung ano ang ginawa ng alkalde gayong simula pa lamang ng taon ay wala nang permit ang POGO at halos anim na buwan pa ang lumipas nang ikasa ang raid.
Punto ng kongresista, bilang mayor ay ipinasara o na-padlock man lang sana ang establisimiyento lalo't binalewala ng POGO ang liham mula sa opisinaa ni Capil.
Hindi na ito nasagot ni Capil kaya nagbanta si Fernandez na "under oath" ito sa isinasagawang pagdinig.
——
Hajji
Aminado ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na hindi pa sapat ang umiiral na regulasyon para matutukan ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.
Sa motu proprio inquiry ng House Committee on Public Order and Safety at Games and Amusement Panel, sinabi ni PAGCOR Assistant Vice President for Offshore Gaming Licensing Department Jessa Fernandez na kailangan nila ang palagiang kooperasyon sa law enforcement agencies upang panagutin ang mga nag-o-operate nang ilegal.
Bahagi aniya ng plano ang pagkakaroon ng 24/7 monitoring, pagbuwag sa illegal hubs, pagpapataw ng mas mataas na multa at parusa at pagpapalakas ng kooperasyon sa law enforcement agencies.
Binigyang-diin din ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na hindi magsisilbing "magic pill" ang total ban sa mga POGO dahil may mga ilegal nang naglipana sa bansa.
Sakali namang magpatupad ng ban ay patuloy umanong hahabulin ng gobyerno ang mga ilegal na internet gaming.
Idinagdag pa ng PAGCOR na mula nang maghigpit ng regulasyon laban sa mga POGO ay tumaas na ang nalikom na multa sa mga naitalang paglabag.
Sa katunayan, mula sa 702,000 US Dollars noong 2022 ay lumobo ito sa 2.4 million Dollars pagsapit ng 2023.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home