Tuesday, July 16, 2024

PAGAWAAN NG PEKENG BIRTH CERTIFICATE SA DAVAO, PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA

Pinaiimbestigahan ni Davao Oriental Rep Cheeno Miguel Almario ng isang miyembro ng tinaguriang Young Guns ng Kamara de Representantes ang nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) na pagawaan ng pekeng birth certificate sa Davao del Sur na ginagamit ng mga Chinese upang palabasin na sila ay Pilipino.


Ayon kay Almario, dapat walang pekeng Filipino sa ating bansa.


Sinabi ng solon na ayon sa ulat ng NBI, isang Chinese ang naaresto habang nag-a-aplay ng pasaporte sa Davao City gamit ang pekeng dokumento.


Pinaiimbestigahan niya sa Kamara ang natuklasan ng NBI na may 200 pekeng birth certificate ang inisyu sa mga Chinese nationals ng local civil registry sa Sta. Cruz, Davao del Sur.


Iniulat ni NBI SEMRO director Atty. Archie Albao na isang Hengson Lemosnero na ang tunay na pangalan ay Hanlin Qiu, ay inaresto ng Department of Foreign Affairs office sa Ecoland, Davao City matapos mag-apply ng Philippine passport gamit ang pekeng birth certificate.


Si Qui, ay isa sa 200 Chinese nationals na nakakuha ng mga pekeng birth certificate mula sa municipal civil registry ng Sta. Cruz, Davao del Sur.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO




0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home