Friday, July 05, 2024

RPP TINGOG Kabataan initiative inilungsad sa Mindanao



Isang inisyatiba para mapalakas ang boses ng mga kabataan ang magkasunurang inilungsad ng TINGOG Partylist sa Cotabato at Iligan noong Hunyo 19 at 20.


Ginanap ang paglulungsad ng TINGOG Kabataan sa Golden Lace Resto, Cotabato City, Maguindanao del Norte kung saan 70 ang dumalo.


Layunin ng inisyatiba na bigyan ng kasanayan ang kabataan bilang lider ng kani-kanilang komunidad. Sa ilalim ng programa ay ihahanda ang mga kabataan sa pagtataguyod ng iba’t ibang aktibidad at proyekto.


Sumunod namang inilungsad ang TINGOG Kabataan L.I.F.E. Camp, noong Hunyo 20 sa San Miguel Village sa Pala-o, Iligan City, Lanao del Norte. Sa ilalim nito ay tinuruan ang mga kabataan na magkaroon ng kakayanan maging lider at makapagsulong ng pagbabago sa kani-kanilang komunidad.


“We believe in the role of the youth in shaping communities. This initiative is in line with Tingog’s commitment to creating change, one community at a time,” sabi ni TINGOG Rep. Jude Acidre.


Layunin ng TINGOG Kabataan na mapalakas ang kakayanan ng mga kabataan na mapamunuan ang kanilang mga komunidad at makagawa ng makabuluhang pagbabago at mga maging hinaharap na lider ng bansa.


"We are excited for the future of TINGOG Kabataan as we aim to reach more local communities' youth. We believe that the youth are not just the leaders of tomorrow, but the changemakers of today," dagdag pa ni Rep. Acidre. (END)


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO ——- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home