KAPULUNGAN, NAKIDALAMHATI SA MGA NAIWANG PAMILYA NG MGA NASAWI SA BAGYONG PAENG
Pinagtibay sa Kapulungan ng mga Kinatawan kahapon, Lunes, ang resolusyon na nagpapahayag ng lubos na pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng.
“The House of Representatives commiserates with and offers its collective effort and initiatives to comfort and help the bereaved families who are left behind so they can move on with their lives and start anew,” ayon sa House Resolution (HR) No. 505 na pinagtibay ngayong Lunes.
Nanawagan rin ang resolusyon sa mga miyembro ng Kapulungan na, “to collectively and individually rise up to meet the challenges of relief and rehabilitation of the storm-stricken areas, by consolidating individual pledges for the purpose of providing financial and all other kinds of assistance” sa mga biktima ni Paeng.
“The numerous loss of lives, the extensive damage to government infrastructure and private properties, and the adverse impact caused by Severe Tropical Storm Paeng to the livelihood of the people who are still reeling from the vestiges of the COVID-19 pandemic, call for immediate assistance from the government and the private sector to support the recovery and rehabilitation of the affected areas and people,” giit ng mga mambabatas.
Ang House resolution ay inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander "Sandro" A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.
Mula ika-26 hanggang 29 ng Oktubre, nanalasa ng Severe Tropical Storm Paeng, na may pandaigdigang pangalan na Nalgae, sa maraming rehiyon ng Pilipinas, na nagpagbaha sa maraming lugar sa bansa dahil sa walang tigil na pag-ulan, na naging dahilan ng pag-apaw ng mga pangunahing daluyan ng tubig at ilog, at naging sanhi ng flash floods at pagguho ng lupa.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council hanggang ika-2 ng Nobyembre, ay umabot sa 121 ang nasawi sa bagyong Paeng; nag-iwan ng 2.4 milyong tao, o 741,777 pamilya mula sa 70 lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao na nawalan ng tirahan, o napilitang tumuloy pansamantala sa mga evacuation centers.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home