Monday, November 14, 2022

MARCOS, MALUGOD NA TINANGGAP AT NIYAKAP NG ASEAN AT IBA PANG MGA PANDAIDIGANG PINUNO --- SPEAKER ROMUALDEZ

Inilarawan ni Speaker Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang isa sa may mas "magnetic" na personalidad sa isinasagawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, na makikita sa mga kapwa pinuno ng mga bansa na nagagalak na makipag-ugnayan sa ating punong ehekutibo. 


"It makes me feel proud to see our President being warmly received by his fellow leaders in the region. He has been welcomed and embraced. Other leaders in Asia are looking forward to meeting him and talking business with him. Dare I say, the President has been like a rockstar here," ani Romualdez. 


Binanggit din ni Romualdez, ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) President, na sa panahon ng pagdalo ni Marcos sa ASEAN, ay nakatanggap siya ng napakaraming imbitasyon upang dumalo sa mga darating pang pagpupulong ng mga pinuno ng bansa sa hinaharap. 


"Leaders from around the world are drawn to the Chief Executive and this bodes well for the Philippines, for practical reasons. We in government intend to build on our 7.6 percent economic growth in the third quarter based on our gross domestic product (GDP). The President will strive to turn these interactions on the international stage into tangible benefits that can trickle down into every Filipino home," ayon kay Romualdez. 


Ang Leyte 1st District congressman ay nasa Phnom Penh, Cambodia bilang bahagi ng opisyal na delegasyon ni Marcos sa 40th at 41st ASEAN Summit at related summits. 


Ilan sa mga ulat na nag-headline mula sa summit ay ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping kay Marcos na bumisita sa China sa Enero ng susunod na taon. Ang China ang pangalawa sa pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, pangalawa lamang sa Estados Unidos ng Amerika. 


Ang isa pang nakakaakit ay ang imbitasyon kay Marcos sa Enero 2023 sa World Economic Forum (WEF) na gaganapin sa Davos, Switzerland. Ang WEF ay isang independyenteng pandaigdigang organisasyon na nagsusulong ng pagpapaunlad ng mga bansa sa mundo sa pamamagitan ng kalakalan, politika, academiya at iba pang mga pinuno ng lipunan na humuhubog ng adyendang pandaigdigan, rehiyonal at industriya. 


Ang pinuno ng Pilipinas ay may ilang pang mga nakatakdang working visits sa ibayong dagat bago matapos ang taon. #

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home