Thursday, November 10, 2022

PBBM SINAMAHAN NI SPEAKER SA PAKIKIPAGPULONG SA MGA CAMBOIDIAN BUSINESS LEADERS, NA NANGAKONG TUTULONG SA PILIPINAS NA MAKAHIKAYAT NG MGA DAYUHANG MAMUMUHUNAN PHNOM PENH, Cambodia

Sinamahan ngayong Huwebes ni Speaker Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ibang mga opisyal ng Pilipinas at mga negosyanteng Pilipino sa isang pagpupulong sa mga pinuno ng mga negosyante sa Cambodia.

 

“It is an honor to represent the entire House of Representatives in the meeting of President Bongbong Marcos with Cambodian business leaders,” ani Romualdez.

 

Ayon kay Romualdez, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay sumusuporta sa mga programa ng administrasyong Marcos, para makahikayat ng maraming foreign direct investments sa bansa, upang mapasigla ang ekonomiya at mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino.

 

“We would study needed refinements in our laws, regulations, and government policies so as to further attract foreign investments and create more jobs for Filipinos,” ani Romualdez.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga pinuno ng mga negosyanteng Cambodian, na bilang katunayan ng pinakahuling datos sa ekonomiya, ipinakikita na nagabayan ng kanyang adminstrasyon ang ekonomiya ng Pilipinas sa wastong landas, sa kabila ng mga pagsubok dulot ng mga panglabas na pwersa.


“It looks like the route that we have taken is taking the economy in the right direction,” ayon kay Pangulong Marcos sa idinaos na pagpupulong. 

 

Iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7.6 porsyento sa third quarter ng 2022, na mas mabilis sa 7.5 porsyentong pagpapalawig sa second quarter ng 2022, at ng 7.0 porsyentong antas ng paglago sa third quarter ng 2021.

 

Sa ulat kay Pangulong Marcos, sinabi ng NEDA na ang bansa ay nananatili sa kanyang landas na makamit ng pamahalaan ang paglago sa 6.5 hanggang 7.5 porsyento para sa 2022.

 

Ayon pa kay Romualdez, ang mga Cambodian business leaders ay lubos na interesado sa Pilipinas na nakapagpaunlad bilang isa sa mga pinapaborang destinasyon ng mga dayuhang mamumuhunan, dahil sa pag-unlad ng klima ng kalakalan sa Pilipinas.

 

Ang iba pang mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa pagpupulong ay kinabibilangan nina Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo, at Philippine Ambassador to Cambodia Maria Amelita Aquino.

 

Ang mga kumatawan naman sa mga negosyanteng Pilipino ay kinabibilangan nina Mr. Joey Concepcion, na siya ring chairman ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN BAC), Mr. George Barcelon (ASEAN BAC PH member), Felta Multi-Media Inc. CEO Mylene Abiva, Home Healthlink Innovations, Inc. CEO Shiela Marie Acosta, Esquire Financing CEO Rajan Uttamchandani, at CEO at President ng Philippine Blue Cross Biotech Corporation Benito Techico.

 

Nauna nang ipinahayag ng Malacañang na ang ilan sa mga prayoridad ni Pangulong Marcos sa kanyang byahe sa Cambodia at sa ASEAN Summits ay ang post-pandemic economic recovery at transformation.

 

Ang mga alalahaning ito ay kinabibilangan ng seguridad sa pagkain, seguridad sa enerhiya, digital transformation, ang digital economy, at iba pa. #

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home