Thursday, November 10, 2022

ITAYO NATIN ANG SAMA-SAMA, MATATAG, MAPAYAPA, AT MAUNLAD NA KOMUNIDAD NG ASEAN

PHNOM PENH, Cambodia – Nanawagan si Speaker Martin G. Romualdez ngayong Huwebes ng isang sama-samang pagsisikap, sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na itayo ang isang matatag, mapayapa, at maunlad na komunidad sa rehiyon.

 

Ipinanawagan ito ni Romualdez sa idinaos na ASEAN Inter-parliamentary Assembly (AIPA) interface sa mga pinuno ng ASEAN sa Sokha Hotel sa Phnom Penh, Cambodia.

 

Kanyang binati sa pagpupulong si chairman Cheam Yeab, na siyang unang vice president ng National Assembly ng Cambodia, mga miyembro ng lehislatura ng host country, at mga delegasyon mula sa ASEAN-member nations.

 

Pinamunuan ni Romualdez ang delegasyon ng Pilipinas sa AIPA, na kinabibilangan ni Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad, chairperson ng House committee on inter-parliamentary relations and diplomacy.

 

“Today, we come together, as we do every year, to consolidate our efforts in building a cohesive, resilient Asean community that is peaceful, secure and stable, but more than that, we come together to foster the closest possible relations with our fellow AIPA parliamentarians,” ani Romualdez.

 

Muling pinagtibay ng pinuno ng Kapulungan ang “Philippines’ strong commitment to supporting AIPA in its initiatives and resolutions to make it an effective pillar of community building in the ASEAN region.”

 

“Our task of preparing the statement of the AIPA President should strengthen our vision of an AIPA that is instrumental in enhancing peace, stability, and security in the region, as well as building a prosperous, inclusive, and people-centered community,” ayon kay Romualdez.

 

Pinasalamatan rin ni Speaker ang National Assembly ng Cambodia “for the warm hospitality and excellent arrangements for this meeting.”

 

“We look forward to a fruitful meeting in a spirit of unity and understanding,” sinabi niya sa mga kapwa niya mambabatas sa rehiyon.

 

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. ang mahalagang papel ng AIPA, at ang pinaigting na kooperasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura, na mga sangay ng pamahalaan, sa pagpapabuti ng mga batas at regulasyon sa mga ASEAN Member States, at ang pagtitiyak ng epektibong implementasyon sa rehiyon ng mga resolusyon at mga desisyon na ipinasa ng ASEAN.

 

Binanggit niya na ngayong taon, ay inisa-isa niya ang mga prayoridad ng kanyang administrasyon sa lehislatura ng Pilipinas, upang matiyak at maging gabay ito sa pagbawi ng bansa mula sa pandemya.


Ilan dito, ayon kay Marcos, ay ang kanyang panawagan para sa paglikha ng Medical Reserve Corps at ang National Disease Prevention Management Authority, kasama na ang paglikha ng Virology Institute of the Philippines, upang makatiyak na ang bansa ay mas handa na harapin ang mga darating pang mga kagipitan sa pampublikong kalusugan.


Sinabi rin ni Pangulong Marcos na layon niyang itaas ang kakayahan at kakayanan ng ng pamahalaan ng Pilipinas sa platapormang digital, upang mapagaan ang mga proseso sa pamahalaan at makapaglingkod ng episyente, at nasa oras pagsisilbi sa mga mamamayan.


“Through the E-Governance Act, I aim to promote the use of the internet, intranet, and other Information and Communications Technology (ICT) platforms to provide opportunities for every Filipino in the education, labor, business, and other sectors,” pagbibigay-diin ni Marcos.

 

Ang mga panukalang ito ay kasama sa mga pinagtibay sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang bahagi ng Common Legislative Agenda (CLA).

 

Bilang Speaker ng Kapulungan, nangako si Romualdez pabibilisin ang pagpasa ng 20 panukala na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address, gayundin ang iba pang mga panukala na kasama sa CLA. #

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home