Monday, November 14, 2022

PBBM, TUMANGGAP NG KALIWA’T KANANG IMBITASYON MULA SA MGA LIDER NA DUMALO SA ASEAN SUMMIT SA CAMBODIA — SPEAKER ROMUALDEZ

Inilarawan ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang isa sa mga "magnetic personality" sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit, dahil maging ang ibat ibang pinuno ng mga bansa na naroon, tila nasasabik na  makaharap ang Punong Ehekutibo.


Sinabi ni kay Romualdezna ipinagmamalaki niyang makita na mainit na tinanggap ng kanyang mga fellow leader si Pangulong Marcos.


Ayon kay Romualdez, marami din sa mga lider ng mga bansang kasapi ng Asean ang umaasang makausap siya sa isang pagpupulong upang matalakay ang mga usaping may kinalaman sa ekonomiya at kalakalan.


Idinagdag pa ni Romualdez na kaliwa't kanan din ang mga natatanggap na imbitasyon ng Chief Executive para sa mga future meetings and forums, mula sa mga Asian leaders sa kasagsagan ng pagdalo nito sa 40th at 41st Asean Summit sa Cambodia.


Kabilang na dito ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping kay Pang. Marcos para bumisita sa China sa Enero ng susunod na taon. 

Ang China, ang ikalawang pinakamalaking kasosyo sa kalakalan ng bansa, kasunod ng Estados Unidos.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home