PAGBIBIGAY NG INSENTIBO SA CENTENARIAN SENIOR CITIZENS, POSIBLENG BABAAN NA LAMANG ALINSABAY SA RETIREMENT AGE — SOLON
Nais ng isang mambabatas na pag-aralan ang mungkahing maibaba sa retirement age ang pagbibigay ng insentibo sa mga senior citizen, lalo na't bibihira na umano ang umaabot ngayon sa kanilang centenarian age
Handa si Agusan del Norte Rep. Dale Covera na pag-aralan ang mungkahing ibaba sa retirement age na 65 ang pagtanggap ng incentives ng mga senior citizen.
Ayon kay Corvera, naniniwala sia na mahirap nang abutin ng mga nakatatanda ang isandaang taong gulang.
Ngunit sakali mang mayroong umabot sa ganitong edad, tiyak na hindi na aniya ito masusulit o mai-enjoy pa ng mga senior citizen.
Sa katunayan aniya, ilan pa ngang insidente na napunta na lamang sa mga anak ang 100k incentive ng isang centenarian, na dumating pa sa puntong kanila itong pinagtalunan.
Kaya naman napapanahon na seguro, ayon sa solon, na maibaba na ang edad ng mga senior citizen na maaring makatanggap ng insentibo nang sa gayun ay mapakinabangan o masulit pa nila ang matatanggap na halaga.
Kwento pa nito, noong naupo siyang alkalde sa Cabadbaran City at naging Gobernador sa Agusan del Norte, mayroon silang isinulong na programa na kung sumapit na sa edad na 90 o 85 ang isang senior citizen, binibigyan nila ito ng 50k o 70k pesos.
Kapag umabot naman ani Corvera ng 100yo, karagdagang P100k incentives ang kanilang ibinibigay sa mga nakatatanda sa kanilang lalawigan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home