Friday, December 09, 2022

CONCURRENT NA RESOLUSYON NA MAGPUPULONG SA KONGRESO NG PILIPINAS AT PARLIYAMENTO NG BANGSAMORO, PINAGTIBAY NG KOMITE

Pinagtibay ngayong Martes ng Komite ng Local Government sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian. ang House Concurrent Resolution 3, na nananawagan para sa agarang pagbuo at pagpupulong ng Philippine Congress and Bangsamoro Parliament Forum, na ipinag-uutos ng Republic Act 11054, na kilala rin bilang "Bangsamoro Organic Law." 


Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Yasser Alonto Balindong na ang HCR 3 ay inihain upang ang Parliyamento ng Bangsamoro ay maaaring makipagtulungan, at makipag-ugnayan sa mga inisyatiba sa lehislayon ng Kongreso ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang pagtitipon. 


Ang concurrent na resolusyon ay inihain nina Lanao del Sur Reps. Balindong at Ziaur-Rahman Alonto Adiong. Gayundin, nagpahayag ng kaniyang suporta sa HCR 3 si Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. 


Inaprubahan din ng Komite batay sa mga susog at istilo, ang House Bill 4749, na naglalayong magbigay ng wastong delegasyon ng kapangyarihang pambatas, sa pamamagitan ng pagbibigay ng hurisdiksyon at paraan ng pagtanggal ng mga tiwaling opisyal ng Sangguniang Kabataan. 


Iniakda ni Gatchalian, aamyendahan ng panukala ang Section 21 ng Republic Act 10742 o ang "Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015." 


Sinabi ni Gatchalian sa kanyang paliwanag sa nasabing panukalang batas na hindi nagbigay ng anumang hurisdiksyon ng korte, opisina, o tribunal sa pagtanggal sa sinumang opisyal ng Pederasyon. 


Nagbigay lang ito ng kapangyarihan sa Commission on Elections (COMELEC), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National Youth Commission (NYC) upang maglabas ng mga alituntunin na namamahala sa pagtanggal ng mga opisyal. 


Gumawa din ng mga pagbabago ang Komite sa panukalang batas, tulad ng pagtiyak na ang mga pagkilos ng SK, kabilang ang mga imbestigasyon nito ay pinamamahalaan ng mga regulasyon, pati na rin ang pagsasama ng tungkulin ng tanggapan ng pagpapaunlad ng kabataan sa mga imbestigasyon. 


Sa huli, inaprubahan din ng Komite ang iba't ibang panukala na naglalayong magdeklara ng mga espesyal na non-working holiday sa ilang bahagi ng bansa.  Ito ang mga HBs 5269, 5295, 5435, 5533, 5725, 5929, 5942, 5964, 5965 at 6197.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home