Friday, December 16, 2022

PAUNANG PAGDINIG SA MGA PANUKALA NA NAGMUMUNGKAHI NG REPORMANG KONSTITUSYONAL, IDINAOS SA KAPULUNGAN

Idinaos ngayong Miyerkules ng Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City), ang kanilang organizational meeting at inaprubahan ang kanilang Internal Rules of Procedure. 


Matapos nito ay tinalakay ni Committee Secretary Aline Ruth Vidal-Villaluz sa mga mambabatas, ang ulat sa mga inisyatiba ng Kapulungan hinggil sa mga repormang konstitusyonal, simula nang niratipikahan ang Saligang Batas noong 1987. 


Ang mga inisyatiba sa repormang konstitusyonal ay dumaan sa pitong administrasyon at 11 Kongreso mula ika-8 Kongreso hanggang ika-18 Kongreso. 


Ilan sa mga suliraning tinukoy sa nakalipas na panahon ng mga dalubhasa at nagsusulong ng pangangailangan sa repormang konstitusyonal ay: 1) depekto sa istraktura at hindi maaasahang pamamahala; 2) mahigpit na mga polisiya sa ekonomiya; at 3) ang pangungulelat ng Pilipinas sa mga bansa ng ASEAN. 


Sinimulan ng Komite ang paunang deliberasyon sa walong panukala na nagmumungkahi na magpatawag ng isang constitutional convention, upang amyendahan ang 1987 Philippine Constitution, gayundin ang mga partikular na panukalang amyenda sa Konstitusyon. 


Ito ay ang mga: House Bill 4926, HB 4421, Resolution of Both Houses (RBH) 1, RBH 2, RBH 3, RBH 4 at 5, at House Joint Resolution 12 na iniakda nina Rep. Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte, Rep. Jorge ‘Patrol’ Bustos, Deputy Speaker Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., Reps. Lord Allan Jay Velasco, Lorenz Defensor, Gus Tambunting, at Rufus Rodriguez, ayon sa pagkakasunod. 


Tiniyak ni Rodriguez na hindi mamadaliin ng Komite ang pagpapasya sa panukala. 


“We are not going to rush these (measures). These are very important resolutions filed on the fundamental law, the basic law of the land,” aniya. 


Idinagdag ni Rodriguez na ang mga mambabatas ay magsasagawa ng mga pagdinig at konsultasyon sa mga panukala, hindi lamang sa Kapulungan kungdi sa mga rehiyon sa buong kapuluan. 


“We will conduct hearings not only here. We will go to Manila. We are going to the provinces so that we will be able to hear the people in the different regions of our country. 


We assure that we are going to have everyone who wish to participate be invited to speak on any of these eight measures that we have already received,” ayon kay Rodriguez.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home