Friday, December 16, 2022

SUBSTITUTE BILL PARA SA PROGRAMANG PAGPAPAHIRAM NG PONDO SA MSMEs SA PAMAMAGITAN NG PROGRAMANG P3, INAPRUBAHAN

Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Micro, Small and Medium Enterprise Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Misamis Oriental Rep. Christian Unabia, batay sa istilo, ang inamyendahang substitute bill sa walong panukala na naglalayong magtatag ng programa ng pagpapahiram ng pondo para sa maliliit na negosyo sa pamamagitan ng programang Pondo sa Pagbabago at Pag Asenso (P3), at paglalaan ng kaukulang pondo para dito.  


Ipinapahayag sa wala pang bilang na substitute bill na polisiya ng Estado na pasiglahin ang pambansang kaunlaran, isulong ang inklusibong paglago, at bawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng paglago ng maliliit na negosyo na nagpapadali sa paglikha ng lokal na trabaho, produksyon at kalakalan sa bansa.  


Para sa layuning ito, ang Estado ay dapat bumuo ng mga polisiya, plano at programa, gayundin ang magpasimula ng mga paraan upang hikayatin ang mga aktibidad na pangnegosyo, at upang mapagaan ang mga hadlang at hamon sa mga MSE, partikular sa pagkuha ng magpopondo. 


Kabilang sa mga layunin ng panukalang batas ay ang suportahan ang pagbangon ng mga MSE mula sa mga epekto ng lockdown dulot ng pandemyang COVID-19, at tiyakin ang kanilang kakayahang mabuhay, gayundin ang magbigay ng mas mahusay na alternatibo sa mga impormal na nagpapautang o ang tinatawag na sistema ng pagpapautang na "5-6" na napapakinabangan ng maliliit na negosyo. Pinalitan ng panukala ang mga House Bills 712, 826, 1141, 2273, 2811, 2857, 4298 at 5817 na iniakda ni Reps. Emigdio Tanjuatco III, Michael Romero, Ph.D., Faustino 'lnno' Dy V, Luis Raymund 'LRay' Villafuerte Jr., Virgilio Lacson, Eric Go Yap, Christian Unabia, at Arnel Panaligan, ayon sa pagkakabanggit. 


Inaprubahan din ng Komite ang Ulat ng Komite sa kapalit na panukala.  Panghuli, nagsagawa ng kanilang paunang deliberasyon ang Komite sa HB 3632, na gagawing institusyonal ang Mentor ME Program para sa mga maliliit na negosyo at pag-kilala sa kanila bilang mga organikong kawani ng Department of Trade and Industry ang mga tagapayo sa Negosyo ng Negosyo Centers, at aamyendahan ang RA 10644, na kilala rin bilang Go Negosyo Act. Ito ay iniakda ni Unabia.



wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home