BIGLAANG PAGTAAS NG INSURANCE PREMIUM RATE, POSIBLENG MAGDULOT NG PAGTAAS SA PRESYO NG MGA BATAYANG PRODUKTONG PANG-AGRIKULTURA
Pina-iimbestigahan ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ang biglaan at hindi makatwirang pagtaas ng minimum insurance premium rate ng mga insurance companies.
Sinabi ni Lee na mahalagang matugunan ito agad dahil sa possibleng epekto nito sa mga negosyo sa bansa dahil maaring magdulot ito ng pagtaas ng cost of basic commodities particular na dito ang agricultural products.
Ayon sa kanya, hindi katanggap -tanggap ang masyadong mataas na premium rates lalo na ngayong unti-unti palang bumabawi ang mga kababayan natin mula sa pandemya.
Ang pagtaas na 40 hangang 400 percent na insurance bills sa mga kumpanya lalo na sa mga Micro Small and Medium enterprises o MSMEs ay masyadong mataas at pabigat sa ating mga kababayan.
Ayon pa sa mambabatas, ilang organized business groups and private firms na ang nagpahayag ng kanilang matinding oposisyon na hindi man lang nagkaroon anila ng konsultasyon sa kabila ng taas singil na detrimental sa ibat ibang industriya, kanilang mga empleyado at ng general public.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home