ANIM NA MILYONG UNITS NG PABAHAY SA LOOB NG ANIM NA TAON, ISASAKATUPARAN NG ADMISTRASYONG MARCOS
Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na matutupad ng administrasyon ang planong pagtatayo ng anim na milyong units ng pabahay o isang milyon kada taon sa loob ng anim na taong termino ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr
Sinabi ito ni Romualdez kasabay ng kanyang pagdalo sa groundbreaking ceremony para sa 11,000 housing units sa ilalim ng Pambansang Pabahay housing program sa Nueva Ecija na pinangunahan ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Romualdez, ang target na 6-million housing units ay hindi lang solusyon sa housing backlog kundi pagbibigay katuparan din sa pangarap ng milyun milyong mga Pilipino na magkaroon ng sariling bahay.
diin ni Romualdez, sabay sabay na tinututukan ni PBBM ang food security sa bansa, foreign investments, jobs and livelihood, public order and safety, health and social protection , at ang social services kung saan kabilang ang housing.
Bunsod nito ay tiniyak ni Romualdez na gagawin ng Kongreso ang lahat para masuportahan ang Pangulo para matiyak na magtatagumpay ang mga programa nito para sa mamamayang Pilipino.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home