ON-LINE SELLERS, BINALAANG BAWAL I-PM LAMANG ANG PRESYO NG MGA IBINIBEBTA NILANG PRODUKTO
Labag sa batas ang mga online retailer na hindi pino-post ang presyo ng binibenta nilang mga produkto.
Babala ni House Minority Leader Marcelino Libanan, bawal ang PM o private message lamang sa mga customer na nagtatanong sa presyo ng binibentang produkto.
Sinabi ni Libanan na malinaw sa batas na dapat may price tag ng mga produkto para makita ng mga consumer at ito ang patakaran sa mga retailer maging online o may physical stores.
Kasalukuyan, litrato lang ang pino-post ng mga online retailer sa mga social media platforms at kung may magtatanong ng presyo, magre-reply ng “PM sent”.
Ayon kay Libanan, sa ilalim ng Consumer Act of 1992, ang produkto ay hindi pwedeng ibenta ng mas mahal sa nakasaad sa price tag.
Nakasaad anya sa Consumer Act of 1992, dapat transparent ang presyuhan para mabigyan ng proteksiyon ang mga consumer laban sa pang-aabuso.
Dahil dito, kinalampag ni Libanan ang Department of Trade and Industry na tiyakin na naipatutupad ng mahigpit ang price tag requirement.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home