HIWALAY NA PAGPROSESO NG MGA SIM CARD NG SENIOR CITIZEN AT PWD, IPINANAWAGAN SA KAMARA
Umapela si Ways and Means Committe Chairman at Albay Rep Joey Salceda sa Dept of Interior and Local Govt o DILG na lumikha ng extra avenues o hiwalay na pagproseso ng SIM card ng mga Senior Citizen, Persons With Disabilities o PWD, at iyung mga naninirahan sa mga liblib at malalayong lugar.
Nanawagan si Cong Salceda DILG na atasan ang mga lokal na pamahalaan upang maisagawa itong kanyang mungkahi.
Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng ganitong proyekto, tiyak na mas magiging madali at maginhawa ang pagpapatala ng mga SIM card ng ating mga nakatatanda, PWD at mga nasa malalayong lugar.
Umaasa naman ang solon na irerekonsidera ng Dep of Information and Communication Technology o DICT ang kanilang desisyon na gawing Abril ang deadline ng SIM card registration sa halip na sa darating pa na June 23, na syang nakasaad sa batas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home