SEGURIDAD NG PAGBIYAHE NI PBBM AT NG PHILIPPINE DELEGATION SA DAVOS, SWITZERLAND, SINEGURO NG PHILIPPINE AIR FORCE
Ang kaligtasan ng pagbyahe ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at ng delegasyon nito patungong Davos, Switzerland ay siniguro ng Philippine Air Force o PAF.
Tiniyak ng Phil Air Force o PAF na magiging maayos at ligtas ang pagbyahe ni Pangulong Marcos Jr., patungong Switzerland upang dumalo sa World Economic Forum o WEF na gaganapin sa Davos.
Sa mga larawang ipinadala ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, makikita ang mga fighter jets ng Philippine Air Force na sinasabayan ang Presidential Plane na sinasakyan ng Punong Ehekutibo.
Ayon sa Office of the House Speaker, bahagi ito ng essential standard operating procedure ng PAF upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa paglipad ng Pangulo sa kanyang mga official at state visits sa ibang bansa.
Kasama sa delegasyon ni Pang. Marcos na nagtungo sa Switzerland si Speaker Romualdez at iba pang mga opisyal ng gobyerno.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home