PILIPINAS, KINILALA NG INTERNATIONAL SCOUT ORGANIZATIONS SA PAGKAMIT NITO NG PINAKAMATAAS NA BILANG NG MGA MIYEMBRO NG SCOUTS NOONG 2022
Umabot na sa mahigit 1.2M ang membership ng Boy Scouts of the Philippines o BSP sa buong bansa noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Agusan Del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera, na sya ring National President ng BSP, lumago ang miyembro ng organisasyon, sa kabila ng pagtama ng pandemya sa nakalipas na 2 taon na nagresulta sa limitadong face-to-face classes at iba pang community activities.
Ayon kay Corvera, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, partikular na sa pagbabayad ng membership fees, nakapaglunsad parin sila ng mga virtual scouting activities.
Nagkaloob din aniya ang organisasyon ng mga insentibo sa mga local councils sa pamamagitan ng pagbibigay pahintulot sa kanila na magamit ang membership fees para sa kanilang mga operasyon sa kanilang mga lokalidad.
Base sa datus, nasa 1,147,347 ang BSP scout members, 75,197 ang unit leaders; 1,798 ang local council board members; at 21,846 ang mga lay leaders.
Dagdag ng mambabatas at BSP National President, kinilala ng World Scout Committee (WSC) at ng World Organization of the Scout Movement ang nakamit na kabuuang membership ng organisasyon na umabot sa 1,246,188 noong 2022.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home