Monday, February 06, 2023

ANTI-AGRICULTURAL SMUGGLING COUNCIL, ISINUSULONG NA ITATAG

Isinusulong ni AGAP PL Rep. Nicanor Briones na magtatag ng isang “National Anti-Agricultural Smuggling Council” na tututok at tutugon sa talamak na problema ng “smuggling, hoarding, profiteering at cartel” ng mga produktong agrikultural sa ating bansa.


Ito ay nakasaad sa kanyang House Bill 6975, na layong palakasin ang mga hakbang laban sa smuggling sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.


Batay sa House Bill, ang National Anti-Agricultural Smuggling Council ay pangungunahan ng Office of the President. Kabilang sa mga miyembro ng konseho ay:


- Sinumang itatalaga ng pangulo mula sa Presidential Security Group


- Department of Agriculture Assistant Sec. for Inspectorate and Enforcement


- Kinatawan mula sa Bureau of Customs


- Mga kinatawan mula iba’t ibang sektor gaya ng mga magsasaka (palay, mais, gulay, asukal, tabako); magba-baboy at magma-manok; mangingisda; egg producers at iba pa


- Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG


- Agricultural Sector Alliance of the Philippines


Nakasaad sa panukala na kasama sa kapangyarihan at tungkulin ng Council ay maglatag at magpatupad ng angkop at epektibong paraan para matuldukan ang mga pagpupuslit, cartel at katulad.


Gayundin ang mag-utos ng mga “anti-agricultural economic sabotage intelligence operations” at pabantayan sa “Anti-Agricultural Smuggling Task Force” ang mga aktibidad ng mga grupo, indibidwal o kumpanya/negosyo na sangkot sa smuggling at iba pang pang-aabuso sa merkado; at mag-imbestiga; mag-isyu ng alert orders, search warrant, warrant to seizure, at mang-aresto.


Ang naturang task force naman ay pamumunuan ng PSG, habang ang assistant team leader ay mula sa Armed Forces of the Philippines; at mayroong makakasama rin mula sa PNP, NBI, PH Coast Guard at mga kinatawan mula sa agri sectors.


Para naman sa mabilis na usad ng mga kaso, bubuo ng “Special Team of Prosecutors” mula sa Department of Justice.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home