DAYALOGO SA PAGITAN NG PILIPINAS AT CZECH REPUBLIC HINGGIL SA ENERHIYA, TRANSPORTASYON, AT KALAKALAN IDINAOS SA KAPULUNGAN
Nagkaroon ng pagpupulong ngayong Lunes ang mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan at mga opisyal mula sa Czech Republic, upang talakayin ang pagkakataon na mapalakas ang ugnayan sa larangan ng enerhiya, transportasyon, at kalakalan ng dalawang bansa.
Pinangunahan nina Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, Committee on Energy Chairperson Rep. Lord Allan Velasco (Lone District, Marinduque), Committee on Transportation Chairperson Rep. Romeo Acop (2nd District, Antipolo City), at Committee on Trade and Industry Chairperson Rep. Mario Vittorio Mariño (5th District, Batangas) ang House contingent sa paglalahad ng kalagayan sa industriya ng enerhiya, transportasyon, at kalakalan ng bansa, gayundin ang mga ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at mga isinusulong na mga hakbangin sa lehislatura, upang isulong ang mga ito.
Matapos ang matagumpay na talakayan, ang delegasyon ng Czech na pinamumunuan ni Deputy Speaker ng Chamber of the Deputies Jan Skopeček at Czech Ambassador to the Philippines Her Excellency Jana Šedivá ay nag courtesy call kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Pinuri ni Speaker Romualdez ang delegasyon ng Czech para sa pagbibigay ng pagkakataong palawakin ang ugnayang pang-ekonomiya, agrikultura, edukasyon, at turismo sa Czech Republic at para sa pangangalaga ng ating mga OFWs sa kanilang bansa.
Tinanggap din ni Speaker Romualdez ang imbitasyon ni Skopeek para sa mga miyembro ng Kapulungan na bumisita sa kanilang bansa. Dumalo rin sina House Majority Leader Rep. Manuel Jose "Mannix" Dalipe, House Minority Leader Rep. Marcelino Libanan, at Chairperson ng Committee on Foreign Affairs Rep. Ma. Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte), Chairperson ng Committee on Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy, Secretary General Reginald Velasco, at Deputy Secretary General ng Inter-Parliamentary and Public Affairs Department na si Atty. Gracelda Andrés.
Pormal din silang ipinakilala sa mga miyembro ng Kapulungan sa sesyon ng plenaryo ngayong araw, na pinangunahan ni Deputy Speaker Isidro Ungab.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home