PAGPAPATUPAD NG RBH NO. 6 AT RIGHTSIZING NG PAMAHALAANG NASYONAL, APRUBADO SA IKATLONG PAGBASA
Matapos ang makasaysayang pag-apruba ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, ay inaprubahan ng Kamara de Representantes kahapon (ngayong Martes) ang House Bill 7352 sa Ikatlo at Huling Pagbasa.
Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pag-apruba ng panukala, na nakakuha ng 301 pabor na boto at pitong kontra.
Sasakupin ng panukala ang implementasyon ng RBH 6, na nananawagan ng isang Constitutional Convention, na siyang magpapanukala ng mga amyenda o rebisyon ng 1987 Saligang Batas.
Isinasaad sa HB 7352 ang komposisyon ng Constitutional Convention, na kabibilangan ng mga hinalal at hinirang na mga delegado mula sa bawat lehislatibong distrito.
Ang halalan ng mga delegado ay idaraos sa ika-30 ng Oktubre 2023. Isinasaad rin dito kung sino ang magpapatawag sa mga delegado, ano ang kanilang mga kwalipikasyon para sa ihahalal at mga sektoral na delegado, at kung kailan mag-uumpisa ang sesyon.
Magkatuwang na pangungunahan ng House Speaker at Senate President ang pagbubukas-sesyon ng convention.
Samantala, ang HB 7240 o ang "The National Government Rightsizing Act" ay inaprubahan rin sa Ikatlo at Huling Pagbasa, na may 292 pabor na boto ay tatlong kontra.
Layon ng panukala na gawaran ng kapangyarihan ang Pangulo na bawasan ang mga operasyon ng mga ahensya, kagawaran, pangasiwaan, tanggapan, komisyon, mga boards, mga konseho, at iba pang mga opisinang may kaugnayan sa Ehekutibo.
Ang iba pang mga panukala na pasado sa ikatlong pagbasa ay ang mga: 1) HB 7006, na kilala rin bilang panukalang "Automatic Income Classification Act for Local Government Units" na may 300 pabor na boto; 2) HB 7210, na nagdedeklara sa ika-7 ng Pebrero ng bawat taon bilang "National Religious Freedom Appreciation Day" na may 302 pabor na boto.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home