PATULOY NA PAGLIBAN NI REP ARNIE TEVES SA KABILA NG KAWALAN NG TRAVEL AUTHORITY, TATALAKAYIN NG HOUSE ETHICS COMMITTE
Batay sa resolusyon, hinihimok ang naturang komite na sakupin ang hurisdiksiyon at pagsasagawa ng motu-proprio investigation sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa kabila ng kawalan ng travel authority.
Sa schedule ng House of Representatives, isasagawa ito alas-diyes ng umaga.
Matatandaan na napaso na ang ibinigay na travel authority kay Teves noong March 9 para sa kanyang personal na biyahe pa-Estados Unidos.
Batay naman sa naging pag-uusap ni House Speaker Martin Romuladez at Teves kamakailan, sinabi ng Negros Oriental solon na nangangamba ito sa kanyang seguridad at buhay kaya’t hindi pa umuuwi ng Pilipinas.
Iniuugnay si Teves sa pananambang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home