Friday, April 14, 2023

Milks/12apr23 Nursing scholarship

Nursing scholarship at Return Service Program solusyon para matugunan ang nursing shortage sa bansa…

Ang pagkakaloob ng nursing scholarship at return service program para sa mga nursing student ang isa sa mga solusyon para maresolba ang nursing shortage sa bansa.


Isinusulong ni ANAKALUSUGAN Partylist Representative Ray Reyes ang House Bill 6631 o “Nursing Scholarship and Return Service Program Act”.


Sa panukala ni Reyes, bibigyan ng scholarship ang mga deserving students sa mga state universities and colleges maging sa mga private higher education institutions sa mga probinsiya para sa kumukuha ng bachelor’s degree in nursing.


Kapag nagtapos, ang nursing student ay obligadong magsilbi ng isa’t kalahating taon sa kanyang probinsiya on munisipalidad o sa lugar na natukoy ng Department of Interior and Local Government at ng Department of Health.


Giit ni Reyes, sa pamamagitan nito, may tiyak na bilang ng nurses sa bansa at mapipigilan ang exodus ng mga nurse papunta sa abroad para doon magtrabaho.


Noong nakaraang taon, tinaya ng Department of Health, 106,000 ang kakulangan ng nurses sa bansa. milks wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home