Friday, April 14, 2023

Milks/13apr23 Gobyerno dapat agapan ang problema ng mga “pandemic graduates”

Gobyerno dapat agapan ang problema ng mga “pandemic graduates” na nahihirapang makahanap ng trabaho…

… 

Dapat kumilos at gawan ng paraan ng gobyerno ang mga dahilan kaya nahihirapan na makahanap ng trabaho ang mga nag-graduate sa tinatawag na “pandemic generation”.


Ayon kay Rizal 4th District Representative Fidel Nograles, Chairman ng House Committee on Labor and Employment, nakababahala ang report ng Commission on Human Rights.


Sa report ng CHR, hirap makahanap ng trabaho ang mga fresh graduates dahil sa kakulangan ng “soft skills” at “practical job skills” na pinalala dahil sa matagal na online classes sanhi ng pandemya.


Lumabas din sa report na nakararanas ng “culture shock” ang mga fresh graduate kapag nasa workplace dahil ang kanilang expectations ay kakaiba sa natutunan nila sa paaralan.


Nakitang dahilan din ni Nograles kaya kulang ng “job skills” ang mga kabataan ay dahil ang kanilang intership ay isinagawa online at mahirap mai-translate sa aktuwal na trabaho.


Sa rekumindasyon ni Nograles, bumuo ng programa ang gobyerno para mapunan ang “skills gaps” kabilang ang areas of communication, teamwork at critical thinking. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home