DALAWA PANG PRAYORIDAD NA PANUKALA NG LEDAC, UMUSAD SA KAPULUNGAN
Upang matiyak ang pagpapatuloy ng kaunlaran at implementasyon ng mga administrasyon, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Miyerkules, sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 8078, o ang panukalang “30-Year National Infrastructure Program.” Layon ng panukala, na kabilang sa mga prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), na ipagpatuloy ang implementasyon ng mga pangunahing proyektong imprastraktura hanggang 2052. Sasaklawin ng panukala ang mga proyektong may kaugnayan sa 1) transportasyon, 2) enerhiya, 3) mapagkukunan ng tubig, 4) teknolohiya sa impormasyon at komunikayon, at 5) modernisasyon ng agri-fisheries at food logistics. Gagawing institusyon ng HB 8162 ang polisya sa national land use at maglalagay ng mga mekanismo sa implementasyon, ang pasado rin sa ikalawang pagbasa. Ang panukala, na isa rin sa prayoridad ng LEDAC, ay lilikha ng National Land Use Commission (NLUC) bilang pangunahing ahensya sa implementasyon. Pasado rin sa ikalawang pagbasa ang HB 7767, o ang panukalang “Integrated Coastal Management Act,” na naglalayong pagtibayin ang ang pambansang istratehiya para sa kabuuan at nagsusustining pamamahala ng mga baybayin, na may kaugnayan sa ecosystems, kabilang na ang mga resources na naririto. Ipapatupad ang Integrated Coastal Management (ICM) sa lahat ng lokal na pamahalaan (LGUs), upang tugunan ang inter-linkages sa pagitan ng mga ecosystems mula sa ridge-to-reef, at sa pakikipag-ugnayan sa mga nagsusulong sa pamamagitan ng magkakatuwang na pamamahala. Ipinasa rin ng mga mambabatas sa ikalawang pagbasa ang HB 7922, na magtatatag ng isang voucher system para sa mga mahihirap, subalit mga kwalipikadong mag-aaral sa mga private higher education institutions at private technical-vocational institutions. Pinagtibay rin ng Kapulungan ang 1) House Resolution (HR) 884, na bumabati kay Ms. Belinda "Belle" Angelito Mariano, sa kanyang pagwawagi ng Outstanding Asian Star Prize sa 2022 Seoul International Drama Awards, sa kanyang pagtatanghal sa television series, "He's Into Her," at 2) HR 974, na bumabati at pumupuri kay Filipino-American Ms. R'Bonney Nola Gabriel sa kanyang pagwawagi sa Miss Universe title, sa 71st Miss Universe pageant na idinaos sa New Orleans, Louisiana, USA noong ika-15 ng Enero 2023. Ang sesyon sa plenaryo ay pinangunahan nina Deputy Speakers Camille Villar, Kristine Singson-Meehan, at Raymond Democrito Mendoza.
MODUS NG KARTEL SA INDUSTRIYA NG SIBUYAS, IBINUNYAG SA IMBESTIGASYON NG KOMITE
Ipinagpatuloy ngayong Miyerkules ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang kanilang motu proprio na imbestigasyon sa posibleng pag-iimbak at pagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang ng mga walang konsiyensiyang mangangalakal. Ang imbestigasyon ay alinsunod sa House Resolutions 673 at 681 na inihain nina GABRIELA Party-list Rep. Arlene Brosas at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, ayon sa pagkakasunod. Sa pagsisiyasat, naniniwala si Rep. Quimbo na mayroong kartel sa industriya ng sibuyas na nagbabalatkayo bilang Philippine Vieva Corporation, na kontrolado ni Leah Cruz na negosyante, habang nagrerehistro ng ibat-ibang pangalan para sa ilang negosyo ng grupo. Kinuwestiyon din niya ang may-ari ng Tian Long Corporation na si Eric Pabilona, sa pag-alis sa listahan ng Vegefru Producing Store at Rosal Fruit and Vegetable Trading, bilang kanilang pinakamalaking depositor sa bodega sa kanyang mga naisumiteng dokumento. Bukod dito, sinabi ni Rep. Enverga na sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isang negosyanteng nagngangalang Ms. Rexy Bulaybulay at ang may-ari ng Vegefru na si "Mark Castro Ocampo" ay isang tao lamang na nagpoproseso ng mga permit sa Bureau of Plant Industry (BPI). Dito isiniwalat ni Rep. Quimbo na ang mga contact numbers ng Vegefru at Rosal Trading ay kapareho ng contact number ng Golden Shrine International Freight Forwarders Corporation na isinumite sa BPI at Department of Trade and Industry (DTI). Pagmamay-ari din ni Cruz ang logistics firm na Golden Shrine. "Kayang kaya ni Leah Cruz idikta ang magiging presyo ng sibuyas sa merkado. Kaya niyang hawakan ang mga Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) at import permits. Kaya din niya diktahan ang farm gate prices dahil hawak din niya ang mga cold storage facilities," ani Quimbo. Ayon pa kay Quimbo, batay sa datos patuloy pa rin sa pag-aangkat hanggang ngayon ang PhilVieva, na siya naman salungat sa dating pahayag ni Cruz na ang kanilang huling pag-angkat ay nangyari noong 2017. Kinastigo rin ni Quezon Rep. David Suarez ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at BPI sa hindi pagsagot sa matagal nang problema sa industriya ng sibuyas at bawang. "It shows that there's a level of incompetence on the side of our government agencies to allow these type of business models to work, wherein the interest of the Filipino people are compromised, and also the interest of our Filipino farmers," aniya. Binigyan din ng show-cause order si Ms. Bulaybulay dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig ngayong araw.
Pinalitan ng Kamara de Representantes si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang senior Deputy Speaker.
Sa sesyon ngayong Miyerkoles ng gabi, tumayo si Iloilo Rep. Lorenz Defensor, na nagsisilbing majority floor leader, upang palitan si Arroyo.
“Mr. Speaker, I move to elect the honorable Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., representative of the third district of Pampanga as senior Deputy Speaker vice the honorable Gloria Macapagal Arroyo,” sabi ni Defensor.
Inaprubahan ni Deputy Speaker Democrito Mendoza, ang presiding officer ng sesyon, ang mosyon matapos na walang tumutol dito.
“I move to elect the honorable Gloria Macapagal Arroyo as representative of the second district of Pampanga as Deputy Speaker vice the position vacated by the newly-elected senior Deputy Speaker Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr.,” sunod namang mosyon ni Defensor.
Inaprubahan din ni Mendoza ang naturag mosyon.
Sa pahayag na inilabas ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sinabi nito na ang paghalal kay Mendoza bilang ikalawang pinakamataas na lider ng Kamara ay upang bawasan ang trabaho ni Arroyo.
“The House of Representatives has elected Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. as Senior Deputy Speaker to unburden his cabalen, former President Gloria Macapagal-Arroyo, of the heavy load required from the position,” sabi ni Dalipe. (Billy Begas)
Hindi napigilan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na punahin ang Bureau of Plant Industry dahil sa kabagalan sa pag-tugon sa isyu ng suplay ng sibuyas.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food hinggil sa hoarding ng sibuyas, sinabi ni Barzaga na ginagawa lamang shock absorber ng BPI si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanilang mga pagkukulang.
Ang BPI ay nasa ilalim ng Department of Agriculture na kasalukuyang pinamumunuan din ni PBBM.
Pangunahing pinupukol ng mambabatas ang kawalan ng aksyon ni BPI Director General Glenn Panganiban na agad mag-labas ng certificate of necessity to import (CNI) para sa yellow granex o puting sibuyas noong August 2022.
Sa naging August 10 interagency meeting kasi ay lumalabas na huling araw na pala ito ng suplay ng yellow granex.
Ang idinadahilan kasi ni Panganiban kaya hindi na-aprubahan ang CNI para sana makapag-import ng puting sibuyas ay dahil sa pagpapalit ng liderato.
"You are using the President as shock-absorber of your errors… Hindi magkakaroon ng problema riyan kahit na mayroon tayong transition because we have responsible officials in the BPI and the DA. Hindi naman bago to eh. Tapos hindi kayo nag-issue ng CNI, and you are blaming the President, impliedly, because you are in the process of transition?" diin ni Barzaga.
##
17may//mVr
7AM
Revised Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) concession agreement welcome sa department of Finance.
---
Welcome sa Department of Finance ang paglagda ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) concession agreement.
Ito ay amienda sa concession agreement na naglalayong tiyakin na nakaayon ito sa current market condition at patas sa lahat ng partido kasama ang private investors, government and consumers.
Ang kasunduan ay nilagdaan kasama ang Manila Water Company at Maynilad Water Services.
Layon din nito na magpapatuloy ang pagseserbisyo ng MWSS sa mga consumers nito.
Ang amendments ay resulta ng pagpapursige ng Water Concessions Review Committee matapos pulungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Finance secretary Benjamin Diokno, ang revised agreement ay testamentoo ng hangarin ng administrasyong Marcos Jr. na mabalanse ang interest ng gobierno, private concessionaires, and Filipino consumers.
MWSS tiniyak ang kanilang kahandaan sa worst case scenario ng nakaambang El Nino phenomenon.
09358893368
---
Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na handa sila sa worst case scenario sa nakaambang El Nino Phenomenon.
Ito ang pagtiyak ng MWSS Administrator Leonor Cleotas sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development kung saan tinatalakay ang sitwasyon ng tubig sa NCR.
Anya.. napaghandaan ng MWSS ang malalang sitwasyon kung kasabay ng El Nino phenomenon ay walang ulan o bagyong darating hanggang sa pangatlong bahagi ng taon.
Samantala.. nilinaw rin ni administrator Cleotas na hindi supply driven ang nagaganap ngayong water interruptions sa ibat ibang bahagi ng National Capital Region.
Paliwanag ni Cleotas.. sapat ang tubig na sinusupply ng Angat Dam sa MWSS hanggang sa dalawang water concessionaires.
Anya hinihinaan lang ang supply dahil sa kalidad ng tubig mula sa Putatan treatment plant.
Pinayuhan naman ni Valezuela Rep. eric Martinez na magtalaga ng “Easy hotline number” para sa MWSS na maaring kontakin ng publiko sakaling may water leakages upang agad itong maagapan ay hindi masayang ang tubig.
Pinapurihan ni House SPEAKER Ferdinand Martin Romualdez ang buong Gilas Pilipinas men’s basketball team matapos na mabawi ang gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games sa isang kapana-panabik na laban kontra sa bigating koponan ng Cambodia.
Ayon kay Speaker Romualdez, tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon ang ginawang pagbawi ng Pilipinas sa SEA Games basketball crown.
Pinuri at binati din ng Speakser, hindi lamang ang mga manlalaro kundi maging ang buong coaching staff at lahat ng nagbigay ng kontribusyon sa panalong ito ng Gilas Pilipinas.
Pahayag ng House Speaker hindi naging hadlang sa ating koponan ang mga sirkumstansyang kanilang hinarap sa mga unang yugto ng torneyo bagkus naging pundasyon ito upang maibalik ang pagiging hari ng Pilipinas sa basketbol sa buong Southeast Asia.
Umaasa si Romualdez, na muling magtatagal ang paghaharing ito ng bansa sa Seagames mens basketball sa mahabang panahon. wantta join us? sure, manure...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home