Monday, May 15, 2023

PAHAYAG NI VP AT DEPED SEC SARA DUTERTE TUNGKOL SA KAHALAGAHAN NG SCOUTING SA EDUCATION SYSTEM NG BANSA, PINURI NG ISANG MABABATAS

Naghayag ng papuri si Agusan Del Norte Rep. Dale Corvera kay Vice President at Deped Secretary Inday Sara Duterte dahil sa nakita nito ang kahalagahan ng Boys Scout sa sistema ng edukasyon sa bansa.


Sinabi ni Cong. Corvera na siya ring National President ng Boy Scouts of the Philippines o BSP, na marapat lamang na pasalamatan ang Bise Presidente dahil sa suportang ibinigay nito sa kanilang proposal na gawing mandatory ang scouting sa mga paaralan sa bansa.


Una nang sinabi ni VP Sara, na sa pamamagitan ng scouting, mapaiigting nito ang pagiging makabayan ng bawat kabataan na makatutulong ng malaki sa pagsulong ng bansa.


Binigyang pagkilala naman ni Corvera ang ginawang pakikiisa at pagdalo ng Pangalawang Pangulo sa 66th Boy Scouts of the Philippines o BSP Annual National Council Meeting na ginanap sa Palo, Leyte.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home