Mar Rodriguez
Congress Story
Mga sangkot sa onion cartel dapat barilin na sa Luneta, pabirong pahayag ni AGRi-Party List Cong . Wilbert Lee
“Kung ako lang talaga ang masusunod babarilin ko na lang ng diretso sa Luneta yang mga nasa likod ng onion cartel na iyan, ano pang sampa, sampa ng kaso laban sa kanila? Diretso na barilin na sila”.
Ito ang binitiwang pahayag ni AGRI-Party List Congressman Wilbert T. Lee na bagama’t nagbibiro lamang kongresista ay tuwiran naman nitong sinabi na nakaka-pagod na umano ang paulit-ulit na kaso ng “onion cartel” sa bansa kung saan wala naman talagang napapanagot sa mga nasasangkot sa nasabing modus.
sinabi ni congressman Lee na halos naka-siyam (9) na hearing na ang House Committee on Agriculture and Food subalit paulit-ulit lamang umano ang issue sapagkat parehong mga tao at grupo din ang mga itinuturong nasa likod ng onion cartel.
Ipinaliwanag ni Lee na bagama’t mayroong umiiral na batas kaugnay sa agricultural smuggling sa ilalim ng Republic Act No. 1045 (Anti-Agricultural Smuggling Act) subaliot aminado ang mambabatas na kulang na kulang ang ngipin nito para tuluyang maparusahan ang mga taong sangkot sa agricultural smuggling.
“Alam mo paulit-ulit na lang iyan eh since 2014 na hearing natin. Ngayon naka siyam na hearing na tayo, same people, same group. Ito nga ang irony niyan, mayroon tayong batas yung anti-agricultural smuggling o Republic Act 1045 ang problema natin wala naman nakakasuhan sa kanila,” sabi ni Lee.
Ayon kay Lee, hindi umano kasama sa mga nakakasuhan sa ilalim ng RA No. 10845 ang mga sangkot o kasabwat sa agricultural smuggling kung kaya’t hindi aniya nakakapagtaka na nadi-dismiss ng Korte ang kaso laban sa mga ito o yung itinuturong kasapakat ng sindikato.
Binigyang diin ng mambabatas na ang ilan sa mga dahilan kung bakit nababasura lamang ang mga kasong isinasampa laban sa mga sangkot sa agricultural smuggling ay ang kakulangan ng ebidensiya, walang probable cause at walang dokumento dahil narin umano sa kagagawan ng mga kasabwat sa nasabing modus.
“So nagsampa ng kaso pero nadi-dismiss bakit? Kulang sa ebidensiya, kulang ang dokumento, walang probable cause. Kasi may kasabwat ang mga sindikato ng onion cartel, sinasadyang mawalan ng ebidensiya, sinasadyang mawalan ng mga dokumento kaya walang nangyayari,” sabi pa ni Lee.
Dahil dito, sinabi pa ng AGRI-Party List solon na naghain na siya ng panukalang batas para magkaroon ng amendments sa RA No. 10845 sa ilalim ng House Bill No. 5742 na naglalayong maisama sa mga mapaparusahan o mape-penalize ang mga taong mapapatunayang kasabawat ng mga nasa likod ng cartel kabilang na dito ang price manipulators at hoarders.
“Lahat ng kasabwat kasama diyan. Kung mapatunayan na kasama ka sa agricultural smuggling onion cartel man iyan kasama ka sa mga makakasuhan. Nag-file tayo ng House Bill bilang amendment dito sa RA No. 10845, ang layunin natin ay madgadgan ang ngipin laban sa agricultural smuggling,” sabi pa ni Lee.
xxxxxxxxxcc
Isa Umali / May 22, 2023
Uubrang pagkunan ng budget ang “Contingent Fund” o kaya ang “Calamity Fund” para sa pagsasaayos ng natupok na National Post Office Building, o Manila Central Post Office sa lungsod ng Maynila.
Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas 6th District Rep. Ralph Recto.
Ayon sa beteranong mambabatas, kailangang i-rebuild ng gobyerno ang naturang “architectural jewel” sa mabilis at hindi “slow mail fashion” o mabagal na paraan.
Ani Recto, mayroong P13 billion Contingent fund, na isang “national emergency fund” na kontrolado ng Presidente.
Naririyan din ang NDRRMC or Calamity Fund, na nasa P19.03 billion pa ang “beginning 2023 available balance.”
Giit ni Recto, ang nangyaring sunog sa isang national historical landmark ay walang dudang “certifiable disaster” o kalamidad.
Aniya pa, sa ilalim ng Republic Act 10066, o National Cultural Heritage Act of 2009, ang “national historical landmarks, sites o monuments” ay entitled sa “priority government funding” para sa protection, conservation at restoration.
Ayon kay Recto, hindi kaya ng pondo ng Philippine Postal Corporation ang pagbangon.
Noong 2020, ang net surplus nito ay negative P240 million, kaya lugi pa. At noong 2021, nakapagtala ng positive net surplus na P106 million, subalit kulang pa rin.
PANUKALANG TULONG SA ISFs SA INUUPAHAN AT PASILIDAD NG ICT SA MGA PROYEKTO SA PABAHAY, INAPRUBAHAN
Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Housing at Urban Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Francisco "Kiko" Benitez (3rd District, Negros Occidental) ang isang substitute bill at ang kaukulang ulat nito, na layong magtatag ng programa upang mabigyan ng mapagpipilian ang mga informal settler families (ISFs) na makatanggap ng tulong sa upa sa tuwing mapipilitan silang lumipat dahil sa isang natural at mga kalamidad na kagagawan ng tao. Paliwanag ni Rep. Benitez, ang isinusulong na programa ay nalalayong tugunan ang pangangailangan para sa pansamantalang relokasyon ng mga ISFs, sa gitna ng natural at mga kalamidad na gawa ng tao. Pinagsama-sama ng substitute bill ang mga House Bills (HB) 305, 1238, 1708, 1711, 2879, 2941, 3379, 3636, 4173, 4804, 4944, 4980, 5146, 5815, 6736, 7774, 8054, at 7074. Inaprubahan din ng Komite ang substitute bill at kaukulang ulat ng Komite para sa mga HBs 1183 at 4472, na layong ipag-utos ang paglalaan ng isang lugar para sa imprastraktura at pasilidad ng information and communications technology (ICT) sa mga subdivision at housing development projects. Binigyang-diin ni Rep. Benitez na ang ICT ay dapat ituring bilang isang pangunahing kagamitan sa mga programa sa pabahay. Iminungkahi ni Deputy Speaker Camille Villar (Lone District, Las Piñas City) na ang panukalang batas ay magsama ng isang probisyon na mag-aatas na ang mga may-ari ng bahay o developer ng isang partikular na subdibisyon ay konsultahin at ang kanilang pahintulot ay makuha bago ang pagtatayo ng anumang pasilidad ng ICT.
xxxxxccxxxxx
Isa Umali / May 22, 2023
Nais ni AGRI PL Rep. Wilbert Lee na maideklara ng Kongreso ang Verde Island Passage o VIP bilang isang “protected area.”
Matatandaan na VIP ay kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng malawakang oil spill na dulot ng MT Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Lee, ang VIP ay napaka-importante sa “biodiversity” gayundin sa kabuhayan ng mga Pilipino na nakatira sa probinsyang nakapalibot dito.
Kaya naman giit ng kongresista, mahalaga na maprotektahan ang VIP.
Nakita rin aniya sa nangyaring oil spill ang panganib sa mga likas na yaman, at kung gaano kalaki ang pinsalang dulot sa buhay ng marami kapag apektado ang VIP at katulad.
Matatandaan na mismong ang Department of Environment and Natural Resources o DENR), at mga at pamahalaang panlalawigan ng Batangas at Marinduque ay nananawagan na ng lehislasyon para maging protected area ang VIP.
Batay sa mga impormasyon, ang VIP ay tinatawag ding sentro ng “marine biodiversity” ng mundo, at tahanan ng higit sa 300 coral species, 170 na uri ng mga isda, at libo-libong marine organisms gaya ng mga pating at pagong.
Mahigit naman sa 2 milyong tao ang umaasa sa VIP pagdating sa kabuhayan.
xxxxxxxxvccvb
Onion-SRP implementation, tutuldok sa malawakang kartel ng sibuyas sa bansa, ayon sa Kamara...
Suportado ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture o DA ng suggested retail price o SRP sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin.
Bahagi ang hakbang na ito sa hangarin ng pamahalaan na masawata ang malawakang onion cartel sa bansa.
Una nang sinabi ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per kilo para sa pulang sibuyas at P140 per kilo naman para sa puting sibuyas.
Tiniyak naman ng DA na papatawan ng kaukulang kaso ang sinumang mabibigong sumunod sa kautusang ito ng ahensya.
Iginiit ni Speaker Romualdez na ngayong magiging epektibo na ang Suggested Retail Price para sa onion products,tiyak aniyang mapoprotektahan nito ang mga mamimili laban sa mga di makatarungang pagtataas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.
Subalit sa pagpapatupad ng onion-SRP,dapat din ani Speaker na siguruhing maisasaalang alang ang interes ng mga stakeholders gaya ng mga traders, market vendors, partikular na ang mga onion farmers ng bansa.
--------
xxxxxxcc
Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na mananatiling nakatutok ang Mababang Kapulungan sa kanilang trabaho at hindi nila hahayaan na magtagumpay ang anumang tangkang destabilisasasyon sa kanilang hanay.
Sabi ni Romualdez patunay ng kanilang masigasig na pagtatabaho ang pag-apruba nila sa huli at ikatlon pagbasa ng 29 sa 42 mga panukalang batas na kabilang legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Pahayag ito ni Romualdez kasunod ng balitang na tinatangka umano ni dating pangulo at ngayon ay pampanga representative gloria macapagal arroyo na sya ay patalsikin na itinanggi naman ni congresswoman arroyo.
Giit ni Romualdez, dapat Isantabi na ang pamumulitika na wala sa tamang panahon dahil ang mas dapat unahon at paglaanan ng atensyon ngayon ay ang mga tunay na problema ng karaniwang Pilipino.
diin ni Romualdez, ang Uniteam, kung saan kaisa ang kasalukuyang House Leadership ay patuloy na magtutuon ng mas maraming oras sa ang paghahanap ng solusyon sa mga tunay na suliranin ng karaniwang Pilipino upang tayo ay sama-sama makabangon muli.
########
SUPORTA NG KAPULUNGAN SA PAGPAPATULOY NG PROGRAMANG MODERNISASYON NG AFP, BINIGYANG-DIIN NI SPEAKER ROMUALDEZ
Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Biyernes ang pangako ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ng suporta sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), upang makamit ang layunin ng programa.
Sinamahan ni Speaker si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagsaksi sa demonstrasyon ng mga kakayahan ng Philippine Navy sa karagatan ng San Antonio, Zambales sakay ng BRP Davao del Sur (LD602).
Bukod rito, kasama sa mga demonstrasyon ang pagpapaputok ng Mistral 3 Surface-to-Air Missile (SAM), chaff decoy deployment, dummy torpedo deployment, at speed run ng Fast Attack Interdiction crafts ng Philippine Navy.
Ang pagpapaputok ng Mistral 3 ay hindi natuloy dahil sa mga problema sa target drone.
“We remain steadfast in our commitment to support the continuing modernization program of the AFP, to ensure it has the resources and expertise it needs to protect our people and defend our nation’s territorial integrity and sovereignty,” ayon kay Speaker Romualdez.
“The House of Representatives will work closely with the administration of President Marcos to achieve the objectives of the AFP Modernization Program,” dagdag niya.
Ang unang yugto ng AFP modernization program, o Horizon 1 ay ipinatupad mula 2013 hanggang 2017, ang Horizon 2 ay mula 2018 hanggang 2022, at ang Horizon 3ay nakatakdang ipatupad ngayong 2023 hanggang 2028.
Pinaunlad ng AFP ang kanilang military acquisition plan kaugnay ng kasalukuyang umiiral na modernization program, at isinumite ito kay Pangulong Marcos.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagtitiyak sa modernisasyon ng Philippine Navy, ay lalong napakahalaga dahil ginagampanan nito ang mahalagang bahagi ng defense forces ng bansa, na responsable sa proteksyon ng hangganan ng ating karagatan at pagtitiyak ng seguridad ng ating teritoryo.
Matapos ang demonstrasyon, nagpahayag si Speaker Romualdez ng tiwala na ang pinaunlad na kakayahan ng Philippine Navy ngayon ay nasa mas maayos na kalagayan upang harapin ang mga pagsubok at mga banta sa ating bansa.
“I commend the Philippine Navy for its hard work and dedication. I was also impressed by the professionalism and dedication of the Navy's personnel, who are clearly committed to protecting our country,” ani Speaker Romualdez.
Pinasalamatan niya rin ang Navy sa pag-imbita sa kanya upang saksihan ang demonstrasyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home