Friday, May 12, 2023

MGA IMF MISSION MEMBERS HUMANGA SA ECONOMIC PERFORMANCE AT MGA POLISIYANG PANG-MAHIRAP NG BANSA, AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ


Sinabi ngayong Biyernes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang delegasyon ng International Monetary Fund (IMF) na narito sa bansa ay humanga sa economic performance ng Pilipinas, at mga polisiya ng pamahalaan na tumitiyak sa nagsusustining paglago ng ekonomiya, na pakikinabangan ng mga ordinaryong Pilipino.


Nakipagpulong si Speaker sa mga IMF Mission Members, kung saan ay nag briefing siya hinggil sa mga repormang pang-mahirap na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., upang matiyak na walang maiiwan sa pag-ahon mula sa katatapos na pandemyang naranasan ng bansa.

 

Ang IMF ay kinatawan nina Mission Chief Jay Peiris; Resident Representative Ragnar Gudmundsson; Senior Economist Yinqiu Lu; at Economist Tristan Hennig.


“From our discussions, I could confidently say that the IMF Mission Members were impressed with the Philippines' economic performance and the government's economic agenda. They expressed confidence that the Philippines will continue to grow strongly in the years ahead,” dagdag niya.


Binanggit ni Speaker Romualdez ang pahayag ni Mission Chief Peiris na nagsabing: “Everything going in the right direction. Philippine economy is solid, though the country should be ready to respond for any shock.”


Si Speaker ay sinamahan sa pulong nina Rep. Stella Quimbo at House Secretary General Reginald Velasco.


Ang IMF ay nagmamantine ng regular na polisiya sa pakikipag-usap sa mga pamahalaan ng kanilang mga miyembrong bansa. Kanilang tinataya ang mga kalagayang pang-ekonomiya at nagmumungkahi ng mga polisiya na tumutulong sa pagsustini ng paglago. Minomonitor rin ng IMF ang mga kaganapan sa rehiyon at pandaigdigang ekonomiya at pinansya.


“I am grateful to the IMF Mission Members for their visit and I look forward to a more insightful and productive collaboration with them in the future,” ani Speaker Romualdez.


Ang pulong sa pagitan ni Speaker Romualdez at ng delegasyon ng IMF ay nangyari isang araw matapos na ihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) ang mataas sa di-inaasahan na paglago na 6.4 porsyento sa unang tatlong buwan ng 2023.


Ayon kay NEDA Director General Arsenio Balisacan, nilampasan ng bansa ang Indonesia (5 porsyento), Tsina (4.5 na porsyento) at Vietnam (3.3 na porsyento). 


Ang antas ng paglago ng Pilipinas ay mas mataas rin sa mga unang tatlong buwang forecasts ng paglago sa Malaysia (4.9 na porsyento), India (4.6 na porsyento) at Thailand (2.8 na porsyento). #


SPEAKER ROMUALDEZ, NANAWAGAN SA KONGRESO NA SIKAPING MAPAIGTING ANG PAGPAPASA NG MGA NATITIRANG PRAYORIDAD NA PANUKALA BAGO MAGTAPOS ANG SESYON


Nanawagan ngayong Lunes si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga kapwa mambabatas sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pagsikapang mapaigting sa natitirang apat na linggo ng kanilang sesyon, na maipasa ang mga nakabinbing pro-people na prayoridad na panukala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. 


Sa kanyang pahayag sa pagbabalik-sesyon ng plenaryo sa Kapulungan, mainit na tinanggap ni Speaker Romualdez ang pagbabalik ng mga Miyembro ng Kapulungan, at nagpahayag ng kagalakan na sila ay nagkaroon ng sapat na pahinga sa panahon ng bakasyon, habang tinutukoy ang kanilang mga gagawin bago mag adjourn sine die ang First Regular Session ng ika-19 na Kongreso sa ika-2 ng Hunyo. 


“As we face the remainder of the First Regular Session, we have merely four weeks to complete our legislative agenda that has been prescribed by no less than our President in his first SONA plus those that have been identified as priority measures in the LEDAC (Legislative Executive Advisory Council),” ani Speaker Romualdez.


“Later this afternoon (Monday) I will engage with our party leaders to see how we can make sure that the remainder of these four weeks before we adjourn sine die is used most efficiently and maximized so that we can achieve our goals in making sure that the common legislative agenda, not just of both Houses, but that of the Executive are achieved,” dagdag niya.


Ngayong Linggo, inihayag ni Speaker Romualdez na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang 11 karagdagang panukala, kabilang ang Maharlika Investment Fund (MIF) bilang bahagi ng LEDAC, na nagdala sa kabuuang 42 mula sa orihinal na 31 bilang ng mga prayoridad na panukala ng administrasyon.


Ang 11 panukala ay kinabibilangan ng: 1. Amyenda sa AFP Fixed Term Bill, na naipadala na sa Pangulo; 2. Ease of Paying Taxes; 3. Maharlika Investment Fund; 4. Local Government Unit Income Classification; at 5. Amyenda sa Universal Health Care Act, na naipadala na sa Senado; 6. Bureau of Immigration Modernization; at 7. Infrastructure Development Plan/Build Build BuildProgram, na ngayon ay inihahanda na ang ulat ng Komite; 8. Philippine Salt Industry Development Act; 9. Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS); 10. National Employment Action Plan; at 11. Amendment to the Anti-Agricultural Smuggling Act, na ngayon ay tinatalakay na sa pulong ng committee/technical working group (TWG).


“I implore all of you to continue the hard work that has now become the hallmark of the 19th Congress, a most hard-working and diligent Congress we have been. And I believe that we can still do much, much more in the furtherance of the interest of the Filipino people. Maraming maraming salamat sa trabaho, sa paglingkod ninyo sa bayan. Mabuhay po ang Kongreso. Mabuhay po kayong lahat,” ayon kay Romualdez.


Bago ito, iniulat ni Speaker sa plenaryo ng Kapulungan, ang mga resulta ng limang araw na opisyal na pagbisita ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos, na kanyang inilarawan na, “the most productive and the most successful one and has brought Philippine-US relations to its greatest heights in recent years.” 


“I’m proud to say that we, in conjunction with the Executive, had done our work with our counterparts in Capitol Hill in furthering and in enhancing and in deepening the relationships between the two countries, the Philippines and the United States---long historical allies---particularly during this period of uncertainty, post-COVID and the tensions that affect our region,” dagdag niya.


Sinamahan ni Speaker si Pangulong Marcos sa kanyang mga pulong sa US kabilang na sina President Joe Biden, US Vice President Kamala Harris, US Defense Secretary Lloyd Austin, at mga matataas na pinuno ng Central Intelligence Agency (CIA).


Kasama rin ni Speaker na sumuporta kay Pangulong Marcos sa kanyang opisyal na pagbisita sa US sina Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., at Rep. Tobias “Toby” Tiangco. #


MAS MAAYOS NA KUNDISYON AT SWELDO SA PAGTATRABAHO PARA SA MGA MANGGAGAWA SA KALUSUGAN, ISINUSULONG NG MGA MAMBABATAS


Nanawagan ang dalawang Miyembro ng Kapulungan ngayong Lunes sa pamahalaan na bigyan ng mas maayos na kundisyon, sweldo at oportunidad ang mga manggagawa sa kalusugan, upang makapagtatag ng malakas at matibay na sistema sa kalusugan sa bansa, gayundin upang mahimok ang mga manggagawa sa kalusugan na manatili sa bansa imbes na magtrabaho sa ibayong dagat. 


Ito ang naging panawagan nina Rep. Rosanna “Ria” Vergara (3rd District, Nueva Ecija) at Rep. France Castro (Party-list, ACT Teachers) na kanilang binigkas sa kani-kanilang privilege speeches. 


Sinabi ni Rep. Vergara na, “The problem (migration of health workers) has only worsened due to the COVID-19 pandemic,” na binanggit sa mga natuklasan ni Dr. Giorgio Cometto, isang dalubhasa sa mga usapin ng mga manggagawa sa kalusugan sa World Health Organization, na nagpapakita na ang migration ng mga health care workers mula sa mga bansang maliit ang kita sa mga malalaking kita, ay tumaas ng 60 porsyento mula 2006 hanggang 2016. 


Ang pagtaas, ayon kay Rep. Vergara, “highlights the urgent need to act quickly. As policy makers, it is imperative that we act quickly to address the mass migration of our health care workers and the negative impact this is causing in our health care sector.” 


Ibinahagi rin ni Rep. Vergara ang mga natuklasan noong 2022 sa pulong ng Komite ng Appropriations na noong nakaraang linggo, umabot sa 127,000 na nars at 104,000 na doktor ang taunang kakulangan sa bansa. Upang matugunan ang kakulangan ng mga health care workers, iminungkahi ni Rep. Vergara sa pamahalaan na: 1) magpatupad ng mga polisiya at balangkas na programa na naggigiit sa produksyon at pagpapanatili ng mga skilled workers, kabilang ang regulasyon sa mga pribadong ahensya na may kaugnayan sa recruitment; 2) pamumuhunan sa edukasyon at mga programang pagsasanay para sa mga manggagawa sa kalusugan; 3) pag-aalok ng mas mataas na pasahod at mas maayos na kundisyon sa trabaho para sila ay manatili; 4)  pagpapalakas ng regulasyon ng mga recruitment agencies; at 5) pagtatatag ng bilateral agreements sa pagitan ng mga bansa, upang mapangasiwaan ang migration ng mga health care workers, na ipinahayag ng WHO Global Code of Practice on the International Recruitment of Health Personnel. 


Para kay Rep Castro, hiniling niya ang suporta ng bawat isa para sa: 1) P50,000 minimum na sahod para sa mga nars; 2) kabayaran ng benepisyo sa pandemiya; 3) pagpapatupad ng ligtas na health worker-to-patient-ratio; 4) ang regularisasyon ng mga kontraktwal na mga health workers; 5) pagtataas sa badyet para sa kalusugan sa limang porsyento ng GDP; 6) pagpapahinto sa pagsasapribado ng mga programa sa kalusugan at mga pasilidad; at 7) libreng lunas at gamot sa mga pampublikong pasilidad sa kalusugan. 


Nakikita ni Rep. Castro na ang pampublikong suporta sa mga panukalang ito ay napapanahon, dahil ang Health Workers’ Day ay ipinagdiriwang ngayong ika-7 ng Mayo.


Isa Umali / May 08


Sa botong 259 na pabor, at walang pagtutol o nag-abstain…


Aprubaod na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 7576 o “early voting” o maagang pagboto ng mga kwalipikadong senior citizens, persons with disabilities o PWDs, mga abogado at health care workers sa “national at local elections.”


Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpapatibay dito ng kamara, lalo’t inaasahang magbebenepisyo rito ang sektor ng mga nakatatanda at PWDs, at mga manggagawang nagkakaloob ng natatanging serbisyo sa mga Pilipino.


Kapag naging ganap batas ang House Bill --- ang mga botante sa nabanggit na sektor ay kailangang magpatala sa “nationwide registration” ng Commission on Elections o Comelec kung nais nilang makaboto ng mas maaga.


Ang mga kwalipikadong botante ay maaaring bumoto ng 7-araw, bago ang itinakdang eleksyon.


Ang mga senior citizen, PWDs, mga abogado at human resources for health na bigong makapagpa-rehistro sa early voting ay uubrang bumoto sa Election day.


Nakasaad sa House Bill na layon ng early voting na bigyang-konsiderasyon ang kalusugan at kondisyon ng mga lolo at lola at PWDs, na nagnanais na makibahagi sa proseso ng halalan.


At ang konsiderasyon na ito ay target ding ipagkaloob sa mga abogado at health care workers, na mayroong mahalagang papel sa lipunan at karaniwang nadedeploy sa panahon ng eleksyon.


Xxxxxx


Isa Umali / May 08


Pinababantayan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang plano ng Department of Agriculture o DA na pagbili ng “bio-fertilizers,” sabay apela sa Kamara na siyasatin ang usapin.


Sa kanyang privilege speech sa sesyon ngayong Lunes, sinabi ni Cojuangco na nabalitaan niya ang balak ng DA na bumili ng nasa P2.5 billion na halaga ng bio-fertilizers.


Mayroon ding dokumento na hawak ang kongresista na mula sa Office of the Secretary, kung saan nakapirma si Usec. Leocadio Sebastian; at guidelines ukol sa bio-fertilizers.


Paalala ni Cojuangco, mayroon noong binansagang “fertilizer scams” at sentro nito ay ang uri ng bio-fertilizers.


Giit ng mambabatas, dapat na maging maingat sa paggastos lalo na sa mga bagay na hindi naman tiyak kung magbebenepisyo talaga sa mga magsasaka.


Hiniling ni Cojuangco na magdaos ang Kamara ng hearing ukol sa usapin, at usisain ng mabuti ng mga mambabatas dahil nakakatakot kung magagaya ito sa fertilizer scams na ang bilyong-bilyong pera ay napunta lamang sa iilang mga tao.


Dagdag ni Cojuangco, huwag sanang biru-biruin ang isyu dahil ito ay seryoso na dapat ay bigyang-atensyon.


Xxxxxxc


Isa Umali / May 08


Mayroong pulong si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga “party leader” sa Mababang Kapulungan, para talakayin ang magiging diskarte at prayoridad nila sa 4 na linggo ng sesyon bago ang Sine Die Adjournment sa Hunyo 2023.


Sa kanyang talumpati sa sesyon kaninang hapon --- sinabi ni Romualdez na ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng 1st regular session, mayroon na lamang silang 4 na linggo para tapusin ang mga “legislative agenda.”


Kabilang dito ang tinukoy ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address o SONA, at mga nakasama sa listahan bilang “priority measures” ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.


Ayon kay Romualdez, personal niyang haharapin ang mga lider ng iba’t ibang partido sa Kamara upang mabatid kung papaano nila matitiyak na ang natitirang session days bago ang Sine Die Adjournment ay magagamit “most efficiently” o ma-maximize ang panahon para matamo ang kanilang hangarin na ang “common legislative agenda” ng Kongreso at Ehekutibo ay maisasakatuparan.


Apela naman ni Romualdez sa mga kongresista na patuloy na kasipagan, na “hallmark” na ng 19th Congress.


Pagmamalaki ng Speaker, ang kasalukuyang Kongreso ay ang “most hardworking at diligent” at mas marami pang magagawa para sa kapakanan at interes ng sambayang Pilipino.


Xxxxxx


11 KARAGDAGANG MGA PANUKALA NG LEDAC HINGGIL SA PAMPUBLIKONG KALUSUGAN, PAGLIKHA NG MGA TRABAHO AT PAGLAGO NG EKONOMIYA, INIHAYAG NI SPEAKER ROMUALDEZ


'He vows swift passage of new priority legislation.' Ito ang sinabi ngayong Linggo ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos na isiwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang aprubadong 11 karagadagang mga panukala, kabilang ang Maharlika Investment Fund (MIF), bilang bahagi ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), na umabot na sa 42 mula sa orihinal na 31 na kabuuang bilang ng mga prayoridad na panukala ng administrasyon.


“President Marcos approved eleven bills designed to address key issues on public health, job creation, and further stimulate economic growth as part of his administration's priority legislation (LEDAC). These measures will be the focus of our legislative efforts when Congress resumes session this Monday,” ayon kay Speaker Romualdez, na simnamahan si Pangulong Marcos sa kanyang “meaningful” at “constructive” na limang araw na opisyal na pagbisita sa Estados Unidos (US), at sa coronation ng mga bagong crowned monarchs ng United Kingdom ng Great Britain at Northern Ireland, King Charles III at Queen Camila.


Ayon kay Speaker Romualdez, ang 11 panukala ay kinabibilangan ng: 1. Amending the

AFP Fixed Term Bill, which was transmitted to the President; 2. Ease of Paying Taxes; 3. Maharlika Investment Fund; 4. Local Government Unit Income Classification; at 5. Amendment to Universal Health Care Act, na naipadal na sa Senado; 6. Bureau of Immigration Modernization; at 7. Infrastructure Development Plan/Build Build Build Program, na nagyon ay inihahanda na ang ulat ng Komite; 8. Philippine Salt Industry Development Act; 9. Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS); 10. National Employment Action Plan; at 11. Amendment to the Anti-Agricultural Smuggling Act, na kasalukuyang nasa ilalim ng pulong ng committee / technical working group (TWG).


Sinabi rin ni Speaker Romualdez na layon ng liderato na aprubahan ang natitirang walong panukala ng LEDAC mula sa orihinal na 31 panukala, bago mag sine die adjournment ang Kapulungan sa ika-2 ng Hunyo.


“It will be on a best-effort basis. We will try to pass the remaining eight bills from the original priority list. If we could do that, we would have approved all the urgent measures identified by President Marcos in less than a year,” ani Speaker Romualdez.


Sinusuportahan ng mga lehislasyong ito ang adyenda ng Pangulo para sa Prosperity at ang kanyang eight-point socio-economic roadmap, ani Speaker Romualdez.


“They are intended to sustain our economic growth, hasten the country’s digital transformation and speed up the delivery of public services to our people, among other objectives,” ayon pa sa kanya.


May kabuuang 31 panukalang batas ang orihinal na nakatala sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Hulyo nang nakaraang taon at pagkaraan ay pinagtibay ito ng LEDAC.


Dalawa sa 31 ay naisabatas na at kasalukyang ipinatutupad na ng pamahalaan: ang SIM

(subscriber identify module) Registration Act at ang pagpapaliban ng halalang barangay/Sangguniang Kabataan, na ngayo’y itinakda sa Oktubre ngayong taon. 


Ang isa pang panukala, ang “Agrarian Reform Debts Condonation of unpaid loans, interest, and penalties of thousands of agrarian reform beneficiaries,” ay maaari nang maging batas.


Niratipikahan ng Kapulungan ang ulat ng conference committee na naglalaman ng panukala sa condonation bago magbakasayon para sa Semana Santa ang Kongreso.


Inaprubahan ng Kapulungan ang 20 LEDAC-SONA na panukala sa ikatlo at huling pagbasa mula sa 31 orihinal na panukala ng LEDAC.


Ito ay ang Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act; Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, at Rightsizing the National Government.


Ang natitirang walong orihinal na SONA-LEDAC prayoridad na panukala ng Kapulungan na nakatakdang aprubahan sa pagtatapos ng First Regular Session ng ika-19 na Kongreso, ay ang mga panukala na magtatatag ng regional specialty hospitals, batas na magpapatupad sa industriya ng natural gas, National Land Use Act, Department of Water Resources and Services at ang paglikha ng Water Regulatory Commission, Budget Modernization Act, National Defense Act, amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, at ang panukala para sa unified system of separation, retirement, and pension para sa mga unipormadong tauhan.


Dagdag pa rito, tinukoy rin ng Kapulungan ang 13 prayoridad na panukala, kabilang On-Site, In-City Near City Local Government Resettlement Program, Open Access in Data Transmission, Mandatory Establishment of Evacuation Centers in Every City, Province, and Municipality Permanent Evacuation Centers; Online Registration of Voters, Constitutional Convention (RBH No. 6) Calling for Constitutional Convention, Implementing RBH No. 6, and Amendments to the Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Charter, na naipadala na rin sa Senado matapos na ito ay pumasa sa ikatlo at huling pagbasa; Estate Tax Amnesty Act Extension, para sa pagtatakda ng Komite ng Rules; Government Procurement Reform Act, na nasa ilalim na ng technical working group (TWG); Department of Disaster Resilience and Livestock Development and Competitiveness Bill, na tinatalakay na sa Komite; at Department of Fisheries and Aquatic Resources and Wage Employment Assistance Program for Displaced and/or Vulnerable Workers, na tatalakayin na sa Komite. #


PAGTANGGAL NG WHO SA MGA RESTRIKSYON NG COVID-19, MAGRERESULTA SA MAS MARAMING AKTIBIDAD PANG-EKONOMIYA AT PAGLAGO NG BANSA


Tinanggap ngayong Linggo ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pasya ng World Health Organization (WHO) na tanggalin na ang deklarasyon ng pandaigdigang pandemya at health emergency dulot ng Covid-19.


“The decision shows that countries around the globe, including the Philippines, have succeeded through collaborative effort in fighting the highly infectious novel coronavirus and its variants, though they remain a threat to public health,” ayon kay Speaker Romualdez.


Pinaalalahanan niya ang publiko na, “to wear a face mask when needed, wash your hands, isolate when sick, observe physical distancing, and get vaccinated” upang maiwasan ang Covid-19.


Hinimok rin ni Speaker ang Department of Health (DoH) at ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya, at magpairal na ng minimum health protocols na naaayon sa pasya ng WHO na alisin na ang global health emergency declaration.


“I think our people have learned to live with the virus. Though there is no wear-face-mask mandate, many of them continue to wear mask and observe physical distancing. They are aware of the residual threat and they are not letting their guard down,” aniya.


Sinabi niya na ang pag-aalis ng global health emergency “should pave the way for us to sustain our economic growth or even take the economy to a higher growth path for the benefit of our people, especially the poor.”


“It should translate to increased mobility, more economic activities and therefore additional job and income opportunities for our workers and their families,” ayon sa pinuno ng Kapulungan.


Pinangunahan ni Speaker Romualdez, dating Majority Leader ng ika-18 Kongreso ang pagpasa ng ilang lehislasyon na isinabatas ng Kapulungan noong 2020 hanggang 2021 upang isalba ang mga mamamayan at lahat ng sektor na apektado ng pandemyang Covid-19.


Ang mga batas na ito ay kinabibilangan ng Bayanihan 1 and 2 (Bayanihan to Heal as One Act at Bayanihan to Recover as One Act), na naglaan ng bilyong halaga ng pondo bilang ayuda sa mga mahihirap, mga manggagawa sa kalusugan at small and medium enterprises na naghirap dahil sa krisis sa kalusugan.


Sinabi ng pinuno ng Kapulungan na ang pasya ng WHO at ang pag-aalis ng travel restrictions ng ilang bansa, kabilang ang Estados Unidos at Japan, ay maaaring magresulta sa mas malayang pagbyahe at mas maraming turista na bumibisita sa Pilipinas.


“Let the concerned government agencies and sectors of the economy prepare for this possibility, which will benefit tourist destinations and local communities,” aniya.


Gayundin, nanawagan siya sa DoH na ipagpatuloy ang paghihikayat sa mga mamamayan magpabakuna sa Covid-19 na libreng iniaalok ng pamahalaan. 


Binanggit niya na kahit na marami sa populasyon ang nakapagbakuna na, ay marami pa rin sa kanila ang kailangang makatanggap ng first at second boosters, habang kakaunti lang ang bilang ng nakikinabang sa libreng pagpapakuna.


Nanawagan rin ang pinuno ng Kapulungan na ipagpatuloy ang pagmomonitor sa kalagayan ng kani-kailang nasasakupan at kung kinakailangan ay gawin ang mga nararapat na hakbang kapag may pagtaas sa mga kaso ng Covid-19.


“Let us promptly attend to those needing help so that this virus does not infect more people and lead to more deaths,” aniya. #


######


Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman at AKO BICOL Party-list Rep. Elizaldy Co ang suporta ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez kay bagong Philippine National Police Chief General Benjamin Acorda, Jr. 


bunsod nito ay ginarantiyahan ni  Co na ipagkakaloob ng Mababang Kapulungan ang pondong hihilingin ng PNP batay sa magiging budget presentation ni Gen Acorda para sa susunod na taon.


Sabi ni Co, hindi magdadalawng isip ang liderato ng Kamara na ibigay ang resources na kakailanganin ng Pambansang Pulisya para labanan ang krimen at mga naghahasik ng gulo sa bansa.


Umaasa si Co na mailalatag ni Acorda ang inisyatibo at pangmatagalang programa ng PNP na magkakaroon ng mabuting epekto sa kapakanan ng mamamayang Pilipino kahit sya ay magretiro na sa serbisyo.


######


Hiniling ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes sa Department of Health na dagdagan ang pondong nakalaan sa mga ospital sa mga lugar na dinadayo ng turista.


Layunin ng panawagan ni Reyes na matugunan ang kakulangan para sa kumpletong medical facility sa mga tourist areas sa bansa.


Diin ni Reyes, kailangang mamuhunan ang gobyerno para matiyak ang kaligtasan, maproteksyunan ang kalusugan at maibigay ang serbisyong nararapat sa mga lokal at dayuhang turista.


binanggit ni Reyes na marami silang nakukuhang impormasyon na madalas ay inililikas pa sa tourist area at hinahanap ng ospital o medical facility ang mga turista na kailangang mabigyan ng medical emergency response.


ang apela ni Reyes sa DOH ay kasunod din ng naging karanasan ng AnaKalusugan Party-list kaugnay sa mga first aid stations na inilagay nila ibat ibang tourist spots nitong nagdaang Holy Week.


Sabi Reyes, nasa 3,000 ang mga turista na kanilang nabigyan ng emergency care at namahagi na rin sila ng snacks at tubig na inumin.


PANUKALANG TAX AMNESTY ACT NI SPEAKER ROMUALDEZ, PASADO NA SA KOMITE 


Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep.Joey Salceda (2nd District, Albay), ang House Bill 7409 na nananawagan para sa pagpapalawig ng estate tax amnesty period hanggang Hunyo 2025. 


Ang panukalang batas na mismong si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang naghain, ay isinusulong matapos ma-obserbahan na "Families with unsettled estate taxes still struggled to comply with the documentary requirements and failed to benefit from the substantial decrease in tax liabilities sa ilalim ng RA 11213," na siyang "Tax Amnesty Act," na nagsasaad na ang tagapagpatupad o tagapangasiwa ng ari-arian, mga ligal na tagapagmana o mga benepisyaryo ay may hanggang Hunyo 15, 2021 upang mapakinabangan ang naturang estate tax amnesty. 


Gayunpaman, maraming nagbabayad ng buwis ang nabigong makinabang ng tax amnesty dahil sa mga limitasyon sa pagkilos at mga problema sa pananalapi dahil na rin sa pandemya ng COVID-19. 


Ayon kay Rep. Salceda, isinaalang-alang ng panukala na gawing mas madali ang paglilipat ng mga ari-arian, upang ang halaga ng mga ari-arian na ito ay mabuksan para sa mas mahusay na pang-ekonomiyang paggamit. 


“As blunt as this sounds, the dead cannot use or optimize assets. That task falls solely on the living,” ani Rep. Salceda. 


Idinagdag pa ni Salceda na karamihan sa mga ari-arian ay hindi likido – kaya ang mga tagapagmana ay kailangang maglabas ng sariling pera na maaaring wala silang kakayahan, o kaya ibenta ang ilang bahagi ng ari-arian ng namatay upang bayaran ang buwis, aniya “for many estates, such as family homes or agrarian lands with liens, that might not be an option.” 


Sinabi ni Salceda na bukas siya na suportahan ang mga hakbang ng Bureau of Internal Revenue na magtatag ng isang Estate Tax Amnesty helpline ng Bureau of Internal Revenue, upang magbigay ng suporta sa paghahain para sa mga mahihirap na pamilya at maliliit na ari-arian. 


Binanggit din niya na ang Estate Tax Amnesty ng New Agrarian Emancipation Act para sa mga lupang pang-agrikultura hanggang 2025 ay nakatakdang ipadala sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo. 


Sinabi ni Rep. Salceda sa Komite na kasama sa kanilang trabaho ang simplehan ang proseso ng paghahain, posibleng online, pagbubukas ng mga sentro ng tulong sa mga lokal na pamahalaan, kaluwagan mula sa hudikatura sa mga alituntunin sa pagpirma ng special power of attorney para sa mga overseas Filipino workers, at iba pang hakbang upang matugunan ang mga non-tax barriers, at mabilis na maayos ang mga ari-ariang lupa.


PAGSUSURI SA KALAGAYAN NG INDUSTRIYA NG PELIKULA SA PILIPINAS, TINAPOS NA NG ESPESYAL NA KOMITE

 

Tinapos na ngayong Martes ng Espesyal na Komite ng Malikhaing Industriya at Sining sa Pagtatanghal sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, ang pagsusuri nito sa kalagayan ng industriya ng Pelikulang Pilipino ng bansa, at iba pang kaugnay na industriya na may malinaw na layunin: maging numero uno ang Pilipinas bilang Creative Economy sa ASEAN bago mag taong 2030. 


“It’s April 2023, so we have about six and a half years. The clock is ticking,” ani Rep. De Venecia. 


Matapos ang apat na pagpupulong na isinagawa sa bisa ng House Resolution 791, inamin ni Rep. De Venecia na “…we’ve only scratched the surface (however) we were able to learn more about what comprises this sector, the issues that hound it, and find opportunities for collaboration between the performing arts and other creative sectors, the government and the private sector, and many others.”  


Binuod niya ang mga naaaksyunan na punto tulad ng sumusunod: 1) institusyonal na pamumuhunan sa pananalapi; 2) pagtukoy sa iba't ibang pinagkukunan ng pagpopondo ng Local Culture and Arts Councils (LCACs); 3) pagbubuo ng listahan ng mga lugar ng pagtatanghalan; 4) pagpapalakas ng mga roadmap ng industriya; 5) suporta para sa mga kapisanan; 6) akreditasyon ng mga guro at higit pang mga kurso para sa propesyonal na pagtuturo; 7) pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga pangkat ng pagtatanghal; 8) pagsusuri sa moratorium sa mga field trip; 9) integrasyon sa mga sirkito ng turismo; at 10) pagpapahinto ng kasanayan sa pakikitungo sa mga hindi awtorisadong ahensya sa pagkolekta. 


Inatasan niya ang Espesyal na Komite na bigyan ang Department of Trade and Industry ng ehekutibong buod gayundin ng mga talaan ng pagpupulong upang ang mga ito ay magsilbing datos sa nalalapit ng pagbuo ng Creative Industry Council na nakasaad sa Republic Act No. 11904. 


Kabilang sa mga dalubhasa na kinonsulta para sa pagsusuri ay sina DICT Director Emmy Lou Delfin ng ICT Industry Development Bureau; Dr. Ivan Henares, Secretary General, UNESCO National Commission of the Philippines, Department of Foreign Affairs; Marjo Evio, Chief ng CITEM Home Lifestyle and Creative Industry Division; Design Center of the Philippines Senior Manager Kenneth Biunas; at NCCA Commissioner Arvin Villalon.


IMBESTIGASYON SA NAGANAP NA PAGSALAKAY NOONG IKA-8 NG OKTUBRE 2022 NA MAY KAUGNAYAN SA DROGA, SINIMULAN NG KOMITE

 

Ipinagpatuloy ng Komite ng Dangerous Drugs sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers, ang motu propio na imbestigasyon nito sa umano’y pagkakasangkot ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa kalakalan ng iligal na droga, alinsunod sa House Resolution 495.  


Nagsagawa ng pagtimbog na operasyon noong ika-8 ng Oktubre 2022, ang PNP na nagresulta sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu, na natagpuan sa loob ng Wealth and Personal Development (WPD) Lending Inc. sa Tondo, Maynila. 


Ang WPD Lending Inc. ay pag-aari diumano ni Police Master Sergeant (PMSgt) Rodolfo Mayo Jr., na nakatalaga sa National Capital Region (NCR) Special Operations Unit (SOU) ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG). 


Ipinaliwanag ni Committee Chairman Barbers na ang imbestigasyon ay naglalayong tukuyin ang kinalaman ng iba't ibang personalidad, ahensya at operatiba sa mga drogang nasamsam na humahantong sa pagtimbog na operasyon noong ika-8 ng Oktubre 2022. 


Ang mga operasyon sa araw na iyon ay susuriin sa tulong ng mga testimonya, at dokumentadong ebidensiya na nasa pag-aari ng Komite, at ang kopya nito ng isang beripikadong kopya ng kuha ng CCTV na gagamitin upang kumpirmahin ang ilang aktibidad at presensya ng ilang personalidad sa loob at paligid ng lugar ng WPD Lending, dagdag ni Rep. Barbers. 


Ayon kay Rep. Barbers, partikular na layon ng Komite na maliwanagan ukol sa mga sumusunod: 1) ang umano'y pagtatakip sa pagkakaaresto kay PMSgt Mayo Jr.; 2) ang naiulat na paglaya ni PMSgt Mayo Jr. at ang kaniyang papel sa operasyon sa Pasig noong gabi ng ika-8 ng Oktubre 2022; 3) ang mga pinanggalingan ng 990 kilo ng shabu na nasamsam mula sa WPD Lending; 4) ang apat (4) na pagkakataon kung saan ay inilabas ang mga “bagahe” mula sa opisina ng WPD Lending kung saan kasama ang “pagsalba” ng shabu na tinatayang may bigat na 42 kilo; 5) ang katayuan ng sariling imbestigasyon ng PNP, mga aksyon at rekomendasyon, at ang mga kasong isinampa, kung mayroon man; 6) ang mga papel ng mga personalidad na naroroon sa operasyon noong ika-8 ng Oktubre; 7) ang pagharap ng isang Ney Atadero na katiwala ng WPD Lending office, bilang pangunahin at tanging suspek sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu na nakuha mula sa tanggapan ng WPD Lending. 


Tiniyak niya sa mga dumalo na “all resource persons will be given the opportunity and the time to air their side (and) due process will be observed.” Napansin naman ni Antipolo Rep. Romeo Acop ang ilang pag-iiba-iba sa mga pahayag ni Police Capt. Jonathan Sosongco, pinuno ng PDEG SOU 4A pangkat na umaresto, tungkol sa mga follow-up na operasyon na humantong sa kasunod na pag-aresto kay PMSgt. Mayo.  


Hinimok ni PATROL Rep. Jorge Bustos ang PNP na suriin at balikan ang kanilang POPM (Police Operations Personnel Manual) habang hiniling naman ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang Komite na ibunyag ang tunay na pagkakakilanlan ng mga impormante ng droga at sikretong ahente. 


Ipinaalam naman ni Rep. Barbers kay Rep. Luistro na ang pagsisiwalat ng mga pangalan ng mga impormante ay hindi pinapayagan upang maprotektahan ang seguridad ng mga nasabing indibidwal. 


Kinilala rin ni Rep. Barbers sa imbestigasyon ang presensya ng bagong itinalagang hepe ng PNP na si Benjamin Acorda, at nilinaw na hindi niya kinukunsinti at hindi niya kukunsintihin ang mga pulis na sangkot sa aktibidad ng iligal na droga.


PANUKALANG K + 10 + 2 NI SENIOR DEPUTY SPEAKER ARROYO, KAGYAT NA AAKSYUNAN NG DALAWANG KOMITE 


Nagpasya sa joint hearing ang Komite on Basic Education and  Culture na pinamumunuan ni Rep. Roman Romulo ng Pasig City at Komite on Higher and Technical Education, na pinamumunuan ni Rep. Mark Go ng Baguio City, na agad tatalakayin ang panukalang "K + 10 + 2" ni dating Pangulo at kasalukuyang Senior Deputy Speaker (SDS) Gloria Macapagal-Arroyo. 


Pinaliwanag ni SDS Arroyo na ang HB07893 niya ay “The last two years will not be voc-tech (vocational-technical education), they will be similar to the foundation of college courses in Europe while they are preparatory to university education… In my bill, it will be K + 10 because it will (only) be up to Fourth Year High School and then they (students) graduate.” 


Ang mga nakapagtapos ay magkakaroon ng dalawang taon na magagamit para sa post-secondary o pre-university na edukasyon para sa mga nais na magpatuloy sa isang propesyonal na kurso. 


Sinabi ni SDS Arroyo na inihain niya ang panukala sa pakikipagsanggunian kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, at sa kaalaman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nagmula ang HB 7893 habang pinag-aaralan ng dalawang Komite ang HB 7505, na naglalayong pahusayin ang kurikula ng technical, vocational, at livelihood sa senior high school at maglaan ng pondo nang naaayon. 


Naghain ng prejudicial motion si SDS Arroyo na maaaring basahin sa unang pagbasa ang HB 7893 sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso, “(HB 7893) is an alternative solution to improving technical education… So, we have a prejudicial motion that because the two bills are alternative solutions to the problem that we have encountered that we defer further consideration of (HB 7505) until my very closely related bill can be considered in the committee… because they are closely related, and they might come up with the same committee report at the end of the day.” 


Nagpahayag ng suporta si Sarangani Rep. Christopher Solon sa panukalang batas ni SDS Arroyo, aniya ang dalawang dagdag na taon sa high school ay magiging pundasyon at makakatulong na gawing globally competitive ang mga estudyanteng Pilipino.


“We’re missing on Basic Calculus, we’re missing on Physics 101, and we’re missing many foundational courses. And at least there’s that option that if a student wants to go tech-voc, then the student can proceed to TESDA and not jeopardize his or her status of a high school diploma,” ani Solon. 


Nilinaw ni SDS Arroyo, sa katanungan ni Rep. Go, na hindi kasama sa kanyang panukalang batas ang isang probisyon sa mga voc-tech na programa na kasama sa kasalukuyang K to 12 na programa “


As Rep. Solon mentioned, if a student wants to pursue tech-voc, he or she can go to a TESDA school. However, in the transitory provision, there is a provision wherein the DepEd, TESDA, and CHED will all work together into the new system of K + 10 + 2.” wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home