Saturday, May 06, 2023

MGA INISYATIBA AT PAGGASTA NG DOH, SINILIP NG LUPON NG APROPRIYASYON


Sa gitna ng tumataas na kaso ng kumpirmadong COVID-19, sinilip ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Rep. Elizaldy Co (Party-list, AKO BICOL) ngayong Huwebes ang mga paggasta ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH). Sinuri ng lupon, lalo na ang mga ulat pinansyal, paggamit ng pondo at ang kalagayan ng pagpapatupad ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) para sa taong 2022 hanggang sa unang tatlong buwan ng taon. Ayon kay DOH Financial and Management Service Director Rowena Lora, ang DOH ay gumasta ng P145.9-bilyon sa taong 2022, para sa 79-porsyentong antas ng paggasta sa naturang panahon. Ang mga pondo ay ginastos sa mga prayoridad na programa ng DOH, tulad ng: 1) Health Facilities Enhancement Program (HFEP); 2) Medical Assistance to Indigent Patients Program; 3) COVID-19 laboratory network commodities; 4) prevention and control of communicable diseases; at 5) operation of DOH hospitals. Binigyang-diin ni Committee Senior Vice Chairperson Rep. Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City) ang pangangailangan na matiyak na ang pamahalaang nasyonal ay ginagamit ang kanilang mga badyet ng maayos at epektibo. Tinanong ni Rep. Wilter Palma (1st District, Zamboanga Sibugay) ang tungkol sa mga unfilled positions sa DOH. Tumugon naman si OIC Secretary Ma. Rosario Vergeire na ang DOH ay kasalukuyang may 20,000 unfilled positions. Ayon sa kanya, napakalaking hamon para sa kanila na punan ang mga naturang posisyon, tulad ng maliit na sweldo, at kakulangan ng ilang mga health professionals sa bansa, gaya ng mga speech therapists. Para kay Rep. Co, hinimok niya ang DOH na magbahagi ng mga antigen kits at mga personal protective equipment na kasalukuyang itinatabi sa mga bodega, sa mga lokal na pamahalaan (LGU) upang mapakinabangan ng mga mamamayan, partikular na ang mga healthcare workers, imbes na masayang lang. Iniugnay ni OIC Secretary Vergeire ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga bagong variants, ang pagtaas ng pagkilos ng populasyon, at ang mga kahinaan sa kalusugan ng mga taong nahahawa. Nilinaw niya rin na ang mga antas ng alerto na ipinalalabas ng DOH ay mga babala lamang na communication tools; ang mga lokal na pamahalaan pa rin ang may kapangyarihan na magpatupad ng nararapat na paghihigpit sa mga establisimiyento, mga paaralan, at iba pa, batay sa antas ng alerto ng DOH. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home