BUREAU OF IMMIGRATION MODERNIZATION ACT, PASADO NA SA KAMARA
Ipinasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang Bureau of Immigration Modernization Act ng Kamara bago ito nag-adjourn sine die nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lubos na mahalaga ang panukalang ito kaya walang dudang nakalista sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Inaasahang mapagbubuti nito ang Bureau of Immigration o BI, maisusulong ang propesyunalismo, itataas ang sweldo at benepisyo ng mga BI officials at employees, at mas ma-i-improve ang travel experience ng mga bumibiyahe habang hinihigpitan ang border security.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home