KAHALAGAHAN NG MGA OFW, MULING KINILALA NI SPEAKER ROMUALDEZ
Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa.
Sinabi ni Speaker Romualdez sa isang Filipino community sa Jeju, South Korea na ang kanilang mga pagsisikap at mga importanteng kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas ay tunay na kinikilala ng bansa, bagay na kanilang pinahahalagahan kung kaya’t sila ay nagkaroon ng mga pag-uusap.
Ayon sa lider ng Kamara, ang mga OFW ay mahalaga lalu na sa administrasyong Marcos Jr. na kinilala silang tunay na mga bayani ng Republika.
Sina Romualdez, Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at iba pang kongresista ay nasa South Korea upang dumalo sa 18th Jeju Forum na ginanap sa Jeju Island, Korea.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home