Monday, May 29, 2023

PRE-SHIPPING INSPECTION NG SGS SA MGA AGRICULTURAL PRODUCTS, TUTULDOK SA SMUGGLING SA BANSA

Ang rekomendasyon ng Société Générale de Surveillance SA o SGS, isang Swiss company, na magsagawa ng mga pre-shipping inspections upang matigil na ang malawakang smuggling ng mga agricultural goods sa bansa ay malugod na sinalubong sa Kamara.


Sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., na suportado niya ang hakbang na ito lalo na't naging epektibo ang unang pagpapatupad nito sa panahon ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr., na ama ni Pang. Bongbong Marcos Jr.


Una nang nagkaharap kamakailan sina PBBM at SGS vice president George Bottomley kasama ang local managing director ng kumpanya na si Cresenciano Maramot.


Kanilang natalakay ang pagnanais ng SGS na isama sa kanilang ibinibigay na serbisyo ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga agricultural products.


(Bilang tugon, sinabi ng Pangulo na masusi niyang pag-aaralan ang proposal upang masiguro na hindi maipapasa sa mga konsyumer ang anumang pasanin sakaling tanggapin ng pamahalaan ang iniaalok na serbisyo ng SGS.)


Ayon kay Barzaga, malaki ang maitutulong nito sa paglaban sa smuggling dahil agad aniyang iniinspeksyon ng SGS ang mga shipment sa bansang pinanggalingan nito, bago ibyahe o ipadala sa Pilipinas.


Sa ganitong proseso hindi na aniya maaring makialam ang Bureau of Customs o BOC, dahil pagdating dito sa bansa, derecho nang irerelease ang mga kargamento, alinsunod sa mga clearance na ibinigay ng SGS.


Matatandaan na ilang araw bago tuluyang bumaba noon si Panglong Ferdinand Marcos Sr. bilang Pangulo ng Pilipinas, ginawaran ng Department of Finance at ng World Bank ng five-year contract ang SGS para sa kanilang Comprehensive Import Supervision Scheme o CISS sa tanggapan ng BOC. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home